top of page

Dedma sa mga patutsada ng madir ni Kobe… “I KNOW MY TRUTH” — KYLINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2025
  • 3 min read

Updated: Apr 28, 2025

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 27, 2025



Photo: Kyline Alcantara - Instagram



May attitude problem nga ba ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara, kaya wala siyang nagtatagal na relasyon at laging iniiwanan ng mga lalaking kanyang minahal?

Ito ang tanong ng marami dahil nga sa paghihiwalay nila ni Kobe Paras na isang taon lang tumagal. 


Noong bago pa lang sila ni Kobe ay super-proud na idini-display siya ng nobyong basketbolista. Halos ayaw na nilang maghiwalay at super sweet kapag magkasama.

Panay din ang post ni Kobe sa social media ng kanilang mga larawan sa iba’t ibang events na kanilang dinadaluhan. 


Hanggang isang araw ay unti-unting lumamig ang kanilang relasyon at nag-unfollow na sa isa’t isa.


Nakikita na ngayon si Kobe Paras na kasama ang isang maganda at sexy single mom na puma-party sa Bali, Indonesia. Kaya sunud-sunod ang bash ng mga fans kay Kobe, babaero raw ito at manloloko.


Pero to the rescue naman ang mom ni Kobe na si Jackie Forster. May ipinost itong cryptic post na patama raw kay Kyline. 


Bale dalawang mommies ng kanyang mga ex-boyfriends na ang parehong may pasaring kay Kyline. 


Kung matatandaan, naging usap-usapan din noon ang mga hugot posts ni Carmina Villarroel na mommy ni Mavy Legaspi na diumano’y patungkol kay Kyline. 


Pero dedma at ayaw nang sumagot ni Kyline sa mga posts. Mas pinili niya ang manahimik na lang para payapa ang lahat.


Gayunpaman, matapang ang pahayag ni Kyline na, “I know my truth,” at wala siyang balak ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit nagbago sa kanya si Kobe.


Inisip na lang niya na nagsawa na si Kobe sa kakapanood ng mga paborito niyang (Kyline) movies. At siguro, na-turn-off si Kobe sa ginagawa ni Kyline na pagti-TikTok sa kanyang harapan.


Well, malinaw naman na sa edad ngayon ni Kobe ay hindi pa ito handang pumasok sa isang seryosong relasyon. Mas makakabuti para kay Kyline na natuklasan niya ito nang maaga.



MARAMING personalidad ang nag-alay ng tulong-pinansiyal nang pumanaw ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor. 


Unang-una nang nabalita ay si dating Gov. Chavit Singson. Nariyan din sina Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Go at Imelda Papin na isa sa mga directors ngayon sa PCSO. 

Pero, ayon sa ilang reliable source, ang Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) daw ang sumagot sa bayarin ni Nora Aunor sa Medical City.


Maging noong burol ay marami rin ang nag-sponsor sa catering, tulad ng Viva Entertainment. Maging si Julia Clarete ay nagpadala ng supply ng Coke products.


Masuwerte nga sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth dahil maraming nagmamahal sa kanilang mommy, kaya lahat ay kumilos at tumulong upang hindi sila mahirapan sa pag-aasikaso sa burol ng kanilang ina.


Mabuti at nakaalalay din kay Lotlot ang BFF niyang si Nadia Montenegro, ganu’n din sina Shyr Valdez, Ana Abiera, Malou Fagar, Imelda Papin, Celia Rodriguez at Daisy Romualdez.



MAY mga nagtatanong naman kung bakit ganoon na lang ang importansiyang ibinigay ni Sen. Robin Padilla sa yumaong Superstar na si Nora Aunor. Malaki ba ang kanilang pinagsamahan? Malalim ba ang kanilang friendship?  


Sa unang gabi pa lang ng lamay ni Aunor sa Heritage Chapel ay naroroon na si Sen. Robin at nag-stay ng 10 oras. Dinamayan niya ang mga anak ni Aunor sa panahon ng kanilang pagdadalamhati. At kahit may commitment siya noong inihatid sa Libingan ng mga Bayani ang Superstar, dumating ang senador.


At pagkatapos ng libing, bumalik siya kinabukasan upang dalawin ang puntod ni Nora. Ganoon kataas ang respeto ni Sen. Robin sa nag-iisang Superstar at multi-awarded actress.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page