top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

De Lima, bakit kaya nag-thank you kay P-BBM after makalaya? Hmmm

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 15, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 15, 2023


BREAK NA YATA SA UNITEAM ANG MARCOS AT DUTERTE KASI ANG IPINAKULONG NG DUTERTE ADMIN NOON NA SI DE LIMA, LUMAYA SA PANAHON NG MARCOS ADMIN -- Break na nga yatang talaga ang Marcos-Duterte Uniteam.


Matapos kasing pagkaisahan ng Kongreso sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez na tanggalan ng confidential fund si Vice President, Dept. of Education(DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio at sampahan ng kasong kriminal ng isang miyembro ng Kongreso si ex-P-Duterte, ay pinalaya naman ng korte sa pamamagitan ng piyansa ngayong panahon ng Marcos administration si former Sen. Leila de Lima na ipinakulong noon ng Duterte administration, boom!

◘◘◘


SA PANAHON NI EX-P-DUTERTE TABLADO SA KORTE ANG MGA HIRIT NA PIYANSA NI DE LIMA, SA PANAHON NI P-BBM ISANG HIRIT LANG, APRUB AGAD -- Noong si ex-P-Duterte pa ang presidente ng bansa, lahat ng hirit ni De Lima na makapagpiyansa ay laging kinokontra ng Dept. of Justice(DOJ) kaya laging tablado sa korte ang hiling na piyansa ng dating senadora, pero sa panahon ngayon ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM), isang hirit lang ng former senator na siya ay makapagpiyansa, hindi na kinontra ng DOJ kaya laya na ngayon si ex-Sen. De Lima.


At matapos makalaya sa pamamagitan ng piyansa, nag-thank you si De Lima kay P-BBM, at kung bakit sa presidente nagpasalamat ang dating senadora ay siya o sila lang ang nakakaalam. Basta’t ang pinakapunto sa isyung ito, ang pagpapasalamat ni ex-Sen. De Lima sa Pangulo ay tila pang-aasar kay ex-P-Duterte, period!


◘◘◘


SIYEMPRE SUSUPORTAHAN NINA DIOKNO AT PANGANDAMAN SA PAGBABAGO NI P-BBM SA GINAWA NILANG IRR SA MIF KASI KUNG KOKONTRAHIN NILA, SIBAK SA PUWESTO ABUTIN NILA -- Kabilang sina Sec. Benjamin Diokno ng Dept. of Finance (DOF) at Sec. Amenah Pangandaman ng Dept. of Budget and Management (DBM) sa nagbalangkas ng unang IRR o Implementeng Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund (MIF), at talagang mabigat na kuwalipikasyon ang inilagay nila sa IRR na ang mga puwedeng maging opisyal lang ng Maharlika Investment Corporation na mangangasiwa sa P500-B MIF ay may mga Master’s degree, may 10 taong karanasan sa finance, investment at economics, may good na track record at ethical standard at mga walang bahid ng corruption, pero nang tanggalin ni P-BBM ang mga kuwalipikasyong ito, sabi nila (Diokno at Pangandaman) ay suportado raw nila ang ginawang pagbabago ng Presidente sa IRR.


Siyempre naman, susuportahan nila ang ginawang ‘yan ni P-BBM, kasi kung kokontrahin nila, tiyak sibak sila sa puwesto, boom!


◘◘◘


HINDI NA NGA USO SA IBANG BANSA ANG COVID, ANG DOH PINAUUSO PA ITO SA ‘PINAS -- Inanunsyo ng Dept. of Health (DOH) na mula Nov. 7 hanggang Nov. 13, 2023 ay 1,132 Pinoy daw ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa, at 10 daw dito ang namatay.


Onli in da ‘Pinas lang ‘yan na ang COVID ay pinauuso pa, kasi sa ibang bansa hindi na uso ang coronavirus, hindi na pinag-uusapan ang virus, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page