top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

De Lima 6 yrs. himas-rehas kahit wa’ nakuhang droga, anak ni Boying na nahulihan ng ‘damo’, malaya?

BULGAR
Jan 11, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 11, 2023


ILANG BESES NA INIMBESTIGAHAN ANG SUMGGLING PERO HINDI NAMAN NATULDUKAN—Iimbestigahan ng mga mambabatas ang agri-smuggling sa bansa na dahilan kung bakit mataas ang presyo ng mga gulay, partikular ang sibuyas.


Malamang, wala ring mangyayari riyan at sa katunayan ay nagpapansin lang ang ‘yan para masabing meron silang malasakit sa mamamayan.


Paanong nagpapansin? Ilang beses na inimbestigahan ang smuggling, pero hanggang ngayon ay talamak pa rin sa Customs.


◘◘◘


KUNG TUNAY ANG KANILANG MALASAKIT, KASUHAN NG MGA MAMBABATAS ANG MGA SANGKOT SA AGRI-SMUGGLING—Kung tunay ang malasakit ng mga mambabatas sa mamamayan, magsampa sila ng economic sabotage laban sa mga agri-smugglers na sina “Leah Cruz”, “Michael Yang”, “David Bangayan”, “Paul Teves”, “Manuel Tan”, “Andrew Chang” at “Jun Diamante”, gayundin sa mga amuyong sa Bureau of Customs at Department of Agriculture.


◘◘◘


DE LIMA HIMAS-REHAS KAHIT WALANG NAKUHANG DROGA, ANAK NI BOYING MALAYA KAHIT NAHULIHAN NG ‘DAMO’—Kung pagbabasehan ang kasong illegal drugs na isinampa ng gobyerno laban kina dating senador Leila de Lima at Juanito Jose Remulla, na anak ni Justice Sec. Crispin “Boying” Remulla, masasabing tunay na bulok ang justice system sa Pilipinas.


Mantakin n’yo, wala namang nakitang droga kay De Lima, pero hanggang ngayon ay nakakulong pa rin siya. Samantalang ‘yung anak ni “Boying”, 900 gramo ng high-grade marijuana ang nakuha ng awtoridad pero ilang buwan lang nakulong at ngayon ay malaya na siya.


Pakaisipin nating mabuti, nasaan—para kanino lang ba ang hustisya?


◘◘◘


GOV. REMULLA AT COL. OLAZO, ‘NGANGA’ SA MGA MANRARAKET SA CAVITE—Hanggang ngayon ay namamayagpag ang raket na color games at drop balls ni “Egay” sa Bgy. San Francisco, General Trias at Bgy. Salinas, Rosario, Cavite, pati na ang Perya ng Bayan-con jueteng nina “John Yap”, “Renen”, “Manalang” at sakla nina “Erik Turok”, “Tagoy” sa iba’t ibang bayan at lungsod.


Araw-araw ay marami silang nabibiktima sa raket, pero ang nakapagtataka kung bakit “nganga” lang sina Gov. Jonvic Remulla at PD, Col. Christopher Olazo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page