De Guzman nadepensahan ang singles title sa PBO
- BULGAR
- Jun 13, 2024
- 2 min read
ni MC @Sports | June 13, 2024

Nakumpleto ni Mika De Guzman ang undefeated run nang madepensahan ang women's singles title sa 2024 Philippine Badminton Open matapos makaalpas sa mabigat na hamon kay Ysabel Amora, 21-11, 14-21, 21-8 na idinaos sa Gameville Ball Park sa Mandaluyong City.
Kinailangan pa ng 2023 APACS Kazakhstan International Series champion na ipagpag ang unang kalawang matapos ang pagkatalo sa unang laro sa second set upang matiyak ang ikalawang sunod na consecutive championship sa Philippine Super 500 tournament na ito ng Philippine Sports Commission at ng MVP Sports Foundation.
"Nagpapasalamat lang din ako sa coaches ko, sila coach Joper (Escueta), coach Kenneth (Monterubio), coach Ariel (Magnaye), at coach Kennie (Asuncion-Robles), kasi they helped me a lot at malaking factor nila na mapalakas 'yung mental at physical preparation ko in this tournament," ayon sa incoming fourth-year student-athlete ng Ateneo De Manila University.
Samantala, tinalo ni Jelo Albo, ng PBad Smash Pilipinas ang tournament's surprise contender na si Clarence Villaflor ng Cadiz-JBA/Apacs sa men's singles final, 21-13, 21-9.
"Tuwang-tuwa ako sa performance ko kasi kagabi pa lang minindset ko kung ano 'yung mga dapat kong gawin ngayong araw na to. 'Yung game plan ko lang na tulad kahapon na huwag patagalin 'yung laro. Gumising ako kaagad dito kanina na excited maglaro at para kunin 'yong championship na 'to," ayon sa 20-year-old incoming third-year ng University of the Philippines.
Nasilayan din ang pagdepensa nina Lea Inlayo at Nicole Albo sa kanilang women's doubles title nang talunin sina UP's Kimberly Lao at Patricia De Dios, 21-12, 21-7 sa pagbubukas ng torneo.
Sa men's doubles category, kampeon sina Ariel Magnaye at Christian Bernardo sa third game makaraang sina reigning champions Solomon Padiz Jr. at Julius Villabrille ay nagpasyang magretiro matapos ang disputed line shot call.
Comentários