top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Day care center para kina lolo’t lola, gawin sana agad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2024
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | May 18, 2024



Boses - Ryan Sison


Para sa mga senior citizen, isang panukalang batas na naglalayong magtatag ng mga community-based day care center ang inihain sa House of Representatives.


Sa House Bill (HB) No. 10362, sinabi ni United Senior Citizens Party-list Representative Milagros Aquino-Magsaysay na ang mga day care center ay magbibigay ng mga educational, health at socio-cultural programs at services para sa ating mga senior citizen.


Ang iba’t ibang social services gaya ng arts and crafts, mga game, story-telling, mga field trip at outing ay makukuha rin sa mga facility.


Manggagaling ang pondo para sa mga daycare center, ayon sa mambabatas, sa alokasyon ng kani-kanilang local government units (LGUs). Gayundin, maaari rin silang tumanggap ng mga donasyon.


Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa ilang senior citizen ang naturang panukala.


Ayon kay Senior Citizen Platinum Chapter President Baltazar Balmores, may mga senior na binabalewala at hindi pinapansin ito sa ngayon. Pero kung magiging totoo na magkaroon ng day care para sa senior citizens ito ay maganda at mabuti sa kanila.


Isa namang senior citizen ang nagkomento na dapat na unahing tugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga senior citizen. Aniya, ipasa muna sana ang mga naka-pending na bill para sa mga benepisyo ng senior katulad ng NCSC (National Commission for Senior Citizens), at ang universal pension na sinasabi ng pamahalaan ay wala pa rin hanggang ngayon.


Makabubuti sa mga senior citizen kung maaaprubahan ang panukala at makapagpapatayo agad ng mga day care center dahil makakatulong ito para sa kanila na ma-monitor ang kanilang kalusugan.


Magiging mas malapit na kasi ang pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga lolo at lola habang napapangalagaan pa natin silang mabuti.


Hiling natin sa kinauukulan na sana ay matupad ito at hindi pangako lamang na sa kalaunan ay napako, dahil may iba pang mga panukala na nakatengga pa para sa kapakanan at benepisyo ng mga senior citizen.



Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page