Dating PBA MVP Meneses, positibo sa Coronavirus

ni MC - @Sports | December 14, 2020

Inanunsiyo ni dating PBA MVP Vergel Meneses na mayroon siyang COVID-19.
Sa kanyang statement sa Facebook page, asymptomatic carrier makaraang sumailalim sa RT-PCR test. "Ang inyong punong-bayan ay kusang loob na nagpasuri ng RT-PCR noong Miyerkules. Bilang pagsunod sa health protocols ay bumukod at nagisolate po ako habang hinihintay ang resulta, at kinabukasan Huwebes ay lumabas ang resulta bilang positive -asymptomatic," ayon kay Bulakan Mayor Meneses, ang 1995 PBA Most Valuable Player at 2-time PBA slam dunk champion.
Naka-quarantine ngayon si Meneses habang minomonitor ang COVID-19 situation sa kanyang nasasakupan. "Batid po ninyo na ako ay kaisa ninyo araw at gabi na nagbabantay at lumalaban sa paglaganap ng COVID-19 . . . Kung kaya ninais ng inyong lingkod na mag-self-quarantine sa isang ligtas na lugar kung saan ay maayos pa rin na mapamumunuan ang mga pampanin sa ating Pamahalaang Bayan," aniya.
Tiniyak naman ng dating Jose Rizal University Heavy Bombers coach sa kanyang mga kababayan na nasa maayos siyang kalagayan kahit COVID-19 positive siya.





Comments