ni Julie Bonifacio @Winner | September 3, 2024
Naunsiyami ang ibang mga fans na gustong manood sa concert ng BINI sa Araneta Coliseum. Ayon sa aming source, wala na raw kasing mabiling tiket, pero may nagbebenta sa kanila na triple ang presyo. Soldout na raw ang tickets para sa BINI concert, kaya ang totoong fans ng grupo na gustong manood, wala nang makuha.
Hanggang sa katatanong at kahahanap kung saan may mga nagbebenta, may nakausap naman daw ang mga pobreng fans, kaya lang, na-upset sila nang malaman ang presyo ng tiket.
Unang alok sa kanila ay tumataginting na P11K ang presyo ng tiket. Siyempre, ‘di agad-agad kinagat ng mga fans ang halaga, naghanap-hanap pa rin daw sila. Pero lalo silang nalungkot nang sabihin sa kanila na P20 thousand each na raw ang halaga ng tiket.
Sa mahal ng presyo, baka naman ito ‘yung nasa harapan na harapan ng stage sa Araneta Coliseum.
Saan naman kaya pupulutin ng mga fans ng BINI ang ganyang kalaking halaga, to think na ang bulto ng kanilang supporters ay mga estudyante pa?
So, nalugmok na ang mga fans na makakapanood pa sila ng BINI concert.
From the moment na ini-announce ang first day of selling ng tiket, madaling-araw pa lang or rather the night before pa lang daw ay may mga nakapila na para bumili sa labas ng Araneta Coliseum. ‘Kalokah naman kasi if true ‘yung P20 thousand for a local artist concert, ‘noh?
GRANDIOSO at napakaelegante ng ginanap na birthday celebration ng debutante at award-winning actress na si Jhassy Busran noong nakaraang Linggo.
Parang kailan lang nang mag-celebrate si Jhassy ng kanyang 16th birthday sa Plaza Ibarra. Bonggacious din ang naging celebration noon, with no less than the famous band na Nobita bilang special performer.
Pinuno ng pamilya, mga kaibigan, kaklase, co-workers sa movie industry, at siyempre, ilang miyembro ng entertainment press ang shala-shalang venue ng debut party ni Jhassy. Maaga pa lang ay in-entertain na kami ng butihing ina ni Jhassy, a.k.a. Mommy May.
Enchanting ang theme ng debut ni Jhassy. Unang entrada pa lang niya sa venue ay mala-prinsesa na ang bumulaga sa lahat, suot ang kanyang bustier beige-sequined ball-styled gown.
Sinundan agad ito ng sayaw para sa 18 roses pagsampa ni Jhassy sa stage. Isa sa mga nagsayaw kay Jhassy sa 18 roses ang unang naka-partner niya on screen na si John Heindrick.
Pati na ang aktor na si Simon Ibarra, na gumanap bilang ama ni Jhassy sa Unspoken Letters (UL), ay kasama rin sa 18 roses, gayundin ang young actor na si MJ Manuel. Ang ama naman ni Jhassy, si Daddy Jamil Busran, ang kanyang huling sayaw.
Bukod sa 18 roses, mayroon ding 18 wishes at 18 treasures, siyempre.
Comentarios