Dating bida at super-sikat… JOLENS, EXTRA NA LANG SA SERYE NINA ECHO, JODI AT JANINE
- BULGAR
- Aug 15, 2024
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 15, 2024

Uy, speaking of Jolina Magdangal, maraming mga fans nito ang tila nagrereklamo sa diumano’y hindi parehas na promo slant sa Lavender Fields (LF).
Naturingan pa naman daw na pagbabalik-teleserye ito ni Jolens, pero bakit daw kahit sa teaser o trailer na ipinalalabas ay halos hindi mo makita ang anino nito dahil sa kakarampot nitong exposure?
Para kasi sa mga supporters ng aktres-host, ‘disservice’ naman ito sa masasabing naging impact din ni Jolina sa showbiz.
Sumikat naman siya nang todo noong '90s at nakagawa ng mga hit movies and TV shows, pero bakit parang ‘one of those’ lang siya kung ituring ngayon?
Nagtatanong lang daw po.
FINALLY ay nagsalita na si Jericho Rosales sa mga isyung madalas na sighting sa kanila ni Janine Gutierrez.
Inamin nga ni Echo na nasa getting to know (deeper) na sila ng maganda at matalinong aktres na mukha namang nagre-reciprocate sa effort niya na magpakilala sa dalaga.
Ang pag-amin na ito ay nataon nga sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang Lavender Fields (LF) TV series kung saan kasama nila sina Jodi Sta. Maria, Albert Martinez, Edu Manzano, Jolina Magdangal at Maricel Soriano.
Marami ang kinikilig dahil bagay din naman talaga sila, pero may mga naniniwala pa ring pang-promo lang ito dahil may series nga sila.
Pero sa aming pagkakaalam, kahit si Lotlot de Leon na nanay ni Janine ay nagsalita ngang nasa proseso ng ‘getting to know more’ ang dalawa, na pinapaboran niya if ever man na totoo ang panliligaw ni Echo kay Janine.
Well, saan ba nagsisimula ang magandang relasyon kundi sa mga ganitong pagde-date?
Let’s just give them the time and wait for them to admit that "something deeper" emotionally nga is happening between them, or in them na.
SA ngayon ay ine-enjoy ni Carlos Yulo ang kasikatan at tagumpay na dala-dala ng pagkapanalo niya sa Paris Olympics 2024.
Kasama pa niya sa tagumpay na ito ang kanyang nobya na si Chloe San Jose na kung umasta nga ngayon ay tila nagiging very entitled sa pagiging “the one” ni Caloy.
Pero sa katatapos lang na hero’s welcome sa ating mga naging pambatong atletang Pinoy, marami ang naghanap sa kanyang pamilya.
“Granting na may hidwaan sila ng nanay n’ya, pero kahit man lang isang member ng family sana ay naimbitahan du’n,” sey ng mga naka-observe na tumutok sa pagdating ng mga Pinoy Olympians hanggang sa i-receive sila ni PBBM sa Malacañang.
“May karma rin naman ‘yan. Siguraduhin lang ni Caloy na sa susunod na Olympics (2028) ay muli siyang magtagumpay dahil sa panahon nga ngayon, digital na ang lahat,” ang tila may pagbabanta pang tsika ng mga nagsasabing lilipas din ang kasikatan at pagkamal ng maraming pera ni Carlos Yulo.
Hmmm... Pero sa mga mas nag-aanalisa nang malalim, hindi lang umano isyu ng pera at pagtutol sa nobya ang hidwaan ni Caloy sa ina (o pamilya) kundi mas higit pa.
Kung si Yulo, bina-bash…
EJ OBIENA, KAHIT 'DI NAKA-GOLD SA OLYMPICS, PURING-PURI NG MGA PINOY

KAHIT hindi naman nag-uwi ng medalya si pole vaulter EJ Obiena, nakatanggap din ito ng bonggang praises from his Pinoy fans.
Dagsa pa rin ang mga offers dito to endorse products and services at kahit hindi kasinglaki ng perang makukuha ni Carlos Yulo ang prize money niya, tila mas positibo naman siya sa paningin ng marami.
“He is very educated, very decent at kahit noong naiintriga s’ya sa sport n’ya, maayos nila itong naayos without fanfare o mga Marites lang na isyu. At saka ‘yung family n’ya, sobrang disenteng makipag-usap,” sey ng mga fans ni EJ.
And yes, kahit ang kanyang German athlete GF na si Caroline Joyeux ay pinuri rin nang husto dahil sa hindi nito pag-epal sa mga isyu ni EJ.
‘Yun na!
Comments