Dating action star, masyonda na raw…

SEN. JINGGOY, AMINADONG HIRAP NA HIRAP NANG LUMUHOD, 'DI NA MAKATAYO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 20, 2020

Hindi man natuloy ang 1st Summer Film Festival last summer kung saan ay official entry ang Coming Home na comeback film ni former Sen. Jinggoy Estrada, blessing in disguise pa rin dahil napasama naman ito ngayon sa Metro Manila Film Festival and mas naging swak pa nga dahil perfect Christmas offering ang movie due to its focus on core Pinoy family values.
Napanood na namin ang pelikula sa ginanap na press screening last Friday and we’d say malaki ang laban ng movie sa acting awards partikular na nga ang lead actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang role bilang si Salve.
Ayon nga kay Sen. Jinggoy na gumaganap naman bilang asawa ng karakter ni Ibyang, he’s crossing his fingers na sana raw ay mahagip ng leading lady niya ang Best Actress award because deserving naman talaga ito.
“Magaling na artista talaga (si Ibyang), no doubt about it, no questions about her acting ability, I hope she can win the Best Actress award,” sey ni Sen. Jinggoy.
Asked kung umaasa rin ba siya ng Best Actor award, napangiti ang aktor/pulitiko at aniya, “Ako, hindi ko naman ini-expect, bonus na lang ‘yun kung saka-sakali.”
May isang eksena sa movie na inamin ni Sen. Jinggoy na talagang nahirapan siya matapos itong kunan. At ito ay ang pagluhod niya sa kanyang anak na ginagampanan ni Edgar Allan Guzman.
“After ng eksenang ‘yun, siguro, mga dalawang buwan, hirap na hirap akong bumaba ng hagdanan dahil ang sakit ng tuhod ko, siyempre, may-edad na rin tayo,” kuwento niya.
“First time kong gumawa (ng eksena) na lumuhod sa harap ng anak ko. Lumuluhod ako noong araw, sa mga action movies, pero ito, drama, medyo hirap nang konti,” aniya.
Pagkatapos nga raw ng eksena ay inalalayan pa siya.
Sa totoong buhay ba ay gagawin niyang lumuhod sa kanyang anak?
“Depende kung mabigat ang kasalanan ko. Pero sa ngayon, wala naman akong mabigat na kasalanan sa pamilya ko,” natatawa niyang sabi.
Originally intended for Summer Film Festival ang Coming Home pero dahil nga sa pandemic ay hindi ito natuloy, kaya naman masaya si Jinggoy na napasama ito sa 10 official entries ng MMFF 2020.
Coming Home also features a formidable ensemble led by award-winning actors Martin del Rosario and Edgar Allan Guzman, Jake Ejercito, Shaira Diaz, Vin Abrenica, Janna Agoncillo and Julian Estrada, together with Smokey Manaloto, Samantha Lopez, Almira Muhlach, Luis Hontiveros, Alvin Anson, Chanel Morales, and Orlan Wamar, with the special participation of Geneva Cruz.
Line produced by ALV Films and produced by Maverick Films, Coming Home is directed by Adolfo Alix, Jr. with screenplay by Gina Marissa Tagasa.
Coming Home is showing via Upstream.ph starting Christmas Day, December 25.





Comments