‘Dark horse’ sa presidential race, abangan!
ni Ka Ambo - @Bistado | May 3, 2022
SINO ang dark horse sa presidential race?
Gusto kasing palabasin na may pag-asa pa ang dark horse sa eleksyon na gaganapin sa susunod na Lunes.
◘◘◘
SIYEMPRE, hindi puwedeng sabihing dark horse ang nangunguna sa survey na si ex-Sen. Bongbong Marcos.
Hindi rin maituturing na dark horse ang nagsasabing siya ang “nangunguna” imbes na si BBM— na si VP Leni.
◘◘◘
KAPAG dark horse, ito ay puwedeng ikapit lamang sinuman kina Meyor Isko, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ping Lacson.
Masyadong malayo sina Pacquiao at Lacson sa resulta ng mga opinion survey, kaya’t inaangkin ng kampo ni Moreno ang pagiging dark horse.
◘◘◘
NAGPAPALAKAS ng loob ni Meyor Isko ang pagkakapanalo ni Digong na hindi nag-No.1 at hindi rin nag-No.2 sa mga presidential survey pero nagwaging bigla.
Isang dark horse ang panalo ni Digong sa huling presidential election.
◘◘◘
INIYAYABANG ni Digong na walang gobernador o malalaking pulitiko na nagdeklara ng suporta sa kanya, pero siya ang nagwagi sa eleksyon.
Isang plural votes ang naghatid kay Digong sa Malacañang.
◘◘◘
POSIBLE bang maranasan ni Yorme ang naging kapalaran ni Digong?
Sa totoo lang, gitgitan ang presidential race noong 2016 — pero ngayon ay umaalagwa nang todo si BBM kontra sa pinakamalapit na kalaban.
Wala ring nagwaging dark horse nang maupo si ex-PNoy dahil maaga rin siyang umalagwa noong 2010 presidential election.
Parehong majority votes ang nakopo ni ex-PNoy tulad din ng nakuha ni Pareng Erap kung saan maaga siyang umalagwa sa kampanya.
◘◘◘
ITINIGIL ang ayuda ng mga LGU pero marami pa rin ang garapalang nag-aabot ng “cash” sa mga botante na nakalista sa masterlist.
Bigo ang Comelec na masugpo ang garapalang vote buying.
◘◘◘
LANTARAN ang vote buying sa buong bansa.
Hindi ito mapigil ng Comelec.
Bakit?
Dapat silang magbitiw kung wala silang kakayahan na ipatupad ang election at pangalagaan ang malinis na halalan.
◘◘◘
SOBRA ang taas ng presyo ng mga bilihin.
Walang solusyon ang mga kolokoy.
◘◘◘
HINDI malinaw kung makakatikim ng graduation march ang milyun-milyong estudyante na magsisipagtapos ng Grade 6; Grade 10 at Grade 12.
Inutil na rin ang DepEd.





Comments