top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dapat tumaya sa lotto outlet na madilim at tahimik na lugar para sure ang panalo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | July 28, 2023



Dear Maestro,


Nais kong malaman kung paano aasenso ang aking buhay para matulungan ko ang aking pamilya na nasa probinsya. Maliit lang ang sinusuweldo ko bilang tindera sa palengke at kapos pa sa pansariling pangangailangan. Gusto ko rin sanang makatikim ng panalo sa lotto kaya naisipan kong sumangguni sa inyo.


Kaya sana ay mapayuhan n’yo ako kung paano ako tatama sa lotto at iba pang number games. Ang birthday ko ay February 7, 1984.

Umaasa,

Sophia ng Dampol, Plaridel, Bulacan

Dear Sophia,


Ikaw ay nagtataglay ng birth date na 7, at bukod sa numerong 7, ikaw din ay may destiny number na 4, (2+7+1984=1993/ 19+93=112/ 11+2=13/ 1+3=4), sa zodiac sign na Aquarius.


Ibig sabihin, mapalad ka sa lahat ng numero na may sumatotal na 7, 4, 1 at 8. Sa mga numero ring nabanggit iikot ang iyong tadhana at kapalaran.


Ang problema kung habambuhay kang magiging tindera sa palengke, tunay ngang walang mangyayari sa iyo. Sa halip, ang kailangan sa numerong 7 at 4, ay mag-apply sa ibayong dagat. Oo, mas maganda kung mangingibang-bansa ka.


Kailangan mong gawin ang pag-a-abroad, hanggang ikaw ay bata at malakas pa dahil tulad ng naipaliwanag na tunay ngang sa pangingibang-bansa ka makakakamit ng suwerte at magandang kapalaran.


Kapag buo na ang iyong loob upang sumubok na magtrabaho sa ibang bansa, lagi kang gumamit ng kulay na berde at dilaw sa tuwing lalakarin mo ang iyong mga papeles upang mas madaling pumabor sa iyo ang buwenas at positibong kapalaran.


Mapalad ka tuwing sasapit ang petsang 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 7, 15, 25, sa anumang buwan, higit lalo sa araw ng Linggo, Lunes at Sabado. Sa mga araw na nabanggit may magandang suwerteng darating sa iyong buhay.


Kung tataya ka sa lotto at susubok ng iba pang pakikipagsapalaran, isaalang-alang mo ang pinakamapalad mong buwan na Enero, Pebrero, Mayo, Hunyo, Setyembre at Oktubre, mas mainam din na maghanap ka ng lotto outlet na nakapuwesto sa isang madilim at tahimik na lugar ang nakatakdang magpatama sa iyo ng jackpot.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, kung susundin mo ang mga simpleng suhestiyon sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong 2030, tumaya ka man sa lotto o hindi, sa nasabing panahon sa edad mong 46 pataas, makakamit mo na ang isang masaganang pamumuhay hanggang sa tuluyan kang yumaman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page