Dapat piliin ng babaeng 2 ang birthday para umayos ang buhay
- BULGAR
- Sep 25, 2023
- 2 min read
Updated: Sep 27, 2023
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | September 25, 2023
Dear Maestro,
Dalawa ang birthday ko, April 2, 1976 at January 29, 1976. Ano ba sa dalawa ang dapat kong gamitin para suwertehin ako? Para gumanda naman ang magulo kong kapalaran sa kasalukuyan. Simula kasi noong nag-abroad ako, tuluyan nang gumulo ang kapalaran ko.
Naghiwalay kami ng asawa ko at ngayon ay may nobyo na ako, kaso lang ay may asawa ito, at ‘di pa sila naghihiwalay.
Umaasa,
Ashley ng Hong Kong
Dear Ashley,
Kapag ang birthday mong January 29, 1976 ang ginamit mo, magiging magulo talaga ang kapalaran mo lalo na sa pag-ibig, dahil tulad ng naipaliwanag na, ang may pinakamagulong lovelife ay ang mga Aquarius, dahil naiimpluwensyahan ito ng mga planetang Uranus, Pluto at Saturn na sadyang nanggugulo sa buhay ng mga Aquarius na tinatawag din nating taong four.
By the way, kung ang birthday mo namang April 2, 1976 ang gagamitin mo, ikaw ay magiging isang tipikal na Aries na may birth date na 2 sa destiny number na 2, dahil ang April 2, 1976 ay 4+2+1976=1982/ 19+82=101/ 10+1=11/ 1+1=2. Ibig sabihin, parehong weak ang birth date mong 2 at destiny number mong 2, subalit strong naman ang zodiac sign mong Aries.
Ang birth date mong 2 at destiny number na 2, ay madali kang maiimpluwensyahan ng iyong mga kaibigan. Kung saan, hindi ikaw ang magsasabi o magtatakda ng iyong kapalaran kundi ang mga taong nakapaligid sa iyo.
Samantala, kung ang birthday mong January 29, 1976 ang gagamitin mo, lumalabas na ikaw ay may birth date na 2 (dahil ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) sa destiny number na 8, sa zodiac sign na Aquarius. Naging 8 ang destiny number mo dahil ang January 29, 1976 ay 1+29+1976=2006/ 20+06=26/ 2+6=8.
Gayunman, ang birth date mong 4 sa destiny number na 8 sa zodiac sign na Aquarius pagkatapos ng magulo, magara at ‘di maintindihang buhay, kapag nagpatuloy ka sa iyong layunin na umunlad at yumaman. Sa bandang huli, hindi imposibleng umunlad at yumaman ka, dahil sa destiny number mo 8.
Samantala, ayon sa Decadens ng Kapalaran humigit kumulang mararamdaman mo na ang unti-unting pag-unlad dulot ng destiny number na 8, sa taong 2024 hanggang 2025 sa edad mong 48 pataas.
Ibig sabihin, ikaw na ang bahalang pumili kung ano ang gusto mo sa iyong buhay, tulad ng naipaliwanag na, kung April 2, 1976 ang pipiliin mong birth date, simple lang ang magiging buhay mo, hindi masyadong magulo ang iyong kapalaran. Pero, hindi ka naman yayaman. Sapagkat, ang pagyaman para sa mga taong may weak number ay depende sa kanyang mga kasama.
Subalit, kung January 29, 1976 ang pipiliin mong birthday tulad ng nasabi na, may pag-asa kang yumaman, kaya lang bago mangyaring ang pagyamang iyon, sadyang napakaraming kabiguan at kaguluhan muna ng buhay ang iyong kakaharapin at kapag napagtagumpayan mo ang mga nabanggit na pagsubok, saka palang magliliwanag ang kapalaran, sa nasabing panahon sa edad mong 48 unti-unti ka ng yayaman, hanggang sa edad mong 55 pataas, mayamang-mayaman ka na!




Comments