Dapat gawin para suportahan ang kaibigang gustong magladlad
- BULGAR
- Feb 1, 2021
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 1, 2021

Dumarami na rin ang tumatanggap sa lipunan ng mga nag-out ng kanilang pagkatao, bading, tomboy, lesbian, bisexual, etc. man sa harap ng kanilang mga kaibigan at pamilya. Pero marami pa rin ang nalilito sa ganyang pagbabago sa kasarian ng mahal sa buhay lalo't puro straight ang buong pamilya, kumbaga, lahi ng mga sundalo at pulis, pero may lilitaw na ganyan sa uri nila.
At dahil nakagugulat sa parte ng isang kapamilya na hindi makapaniwala o hindi tanggap ang pangyayari pero bilang isang kaibigan ay nais mong mapanatili ang inyong friendship, mahalagang iwaksi ang panghuhusga dahil kaibigan siya ay nais mong ituring na parehong tao na iyong nakilala noon, isang taong minamahal mo at kinakailangan at gustong suportahan.
1. Makinig na mabuti sa anumang sasabihin ng kaibigang naglaladlad. Totoo ito sa lahat ng ga kaibigan, sa lahat ng oras, pero tunay na napakahirap na makarinig ng nakagugulat na pag-amin na ito mula sa kaibigan. Halimbawa na siya ay bakla o tomboy na hindi agad dapat manghusga, maging positibo man o negatibo. Hayaang mailabas niya ang sarili at maibahagi iyan ng kanyang pag-iisip, damdamin, mapagmalasakit na mga salita na iyong sasambitin dahil nariyan na nga iyan.
2. Paniwalaan ang kaibigan. Isa sa pinaka-karaniwang reaksiyon na lalabas ay siyempre hindi ka makapaniwala. Sila rin kasi ang taong matagal din namang tiniis ang nararamdaman at itinagong pagkatao bago sila nakapag-isip-isip din ng matagal bago naipagtapat o nasabi sa mga mahal sa buhay o mga kaibigan ang kanilang tunay na pagkatao at pagladlad.
3. Asahan ang mga pagbabago. Kung sinabi ng kaibigan o nagtapat siya na siya ay talagang may pusong babae, tiyak na magbabago na rin siya ng pangalan na gusto niyang itawag sa kanya at pangalan pa ng isang babae. Respetuhin mo na rin iyon at kung gusto niyang magpatawag ng bagong pangalan ng babae ay iyon na mismo ang siyang itawag mo sa kanya. Huwag ka nang magbiro na tawagin pa siya sa dati niyang pangalan na lalaki.
4. Huwag mong isuko ang pagkakaibigan dahil lang sa nagulat ka sa kanyang pagtatapat o rebelasyon. Kung talagang kaibigan mo siya, kailangang ipakita mo iyon at tanggap mo ang pagkatao niya. Kaya nga sa inyo niya unang ipinagtatapat dahil kayo ang unang makauunawa sa kanya. Ang kaibigan kasi ang unang mga tao na makatatanggap at gugusto sa kanya bago pa man maipagtapat sa sariling pamilya anuman ang magbago o mangyari dahil sila ang alam nilang may malasakit.
5. Ilihim na muna kung ililihim. Kung gusto ng kaibigan na ilihim muna ang kanyang pagkatao, respetuhin ang tiwala niyang ibinigay sa iyo. Kung ang kaibigan ay pinagkakatiwalaan, patuloy siyang magbubukas loob sa iyo, pero masasaktan siya kapag itsinismis mo sa iba.
6. Lagi ka dapat nasa tabi niya kapag kailangan ka niya. Ang mundo ay hindi laging mabait para sa kanilang mga ladlad lalo na sa mga kabataan pa. Kung kailangan ng kaibigan ng kausap dahil na-badtrip siya o kinutya ng iba, makinig na mabuti at bigyan siya ng suporta.
7. Maging kakampi ka. Hindi naman ibig sabihin na maging gay ka na rin , kailangang hindi pa rin ika nga magbabago ang lahat bilang siya sa iyo at bilang isang kaibigan.
Comentarios