Dapat gawin para ‘di ma-offend ang kausap ‘pag tinapos ang boring na usapan
- BULGAR

- Sep 22, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 22, 2020

Isa na namang nakababagot na pag-uusap ang nakaharap mo? Paano ba tatapusin ng tapat ang sitwasyon na ito?
MAKINIG sa anumang naririnig na naka-iinteres. Kahit na ang bagay ay hindi mo paboritong paksa, kailangang manatiling makinig at makipag-palitan ng ideya.
KUNG talagang bagot ka, maglaan ng oras sa usapang ito, pero hayaan mo lang na lumipad ang isip mo.
MAGSALITA kung magagawa mo at magmukhang interesado. Madalas, ang tono ng boses ay nagsasaad kung gaano ka kabuti. Masasabi mo ang pinakamagandang mga bagay, pero kung hindi tama ang tono, pangit iyan.
Tingnan ang nagsasalita sa kanyang mata. Ipinapakita nito na ikaw ay interesado. Kung gagawin mo ito, iisipin ng tao na interesado ka.
PALITAN ANG PAKSA. Gawing pareho pa rin ang usapan, o makinig sa isang bagay sa paksa na puwedeng maiba ang pag-uusapan. Halimbawa, tungkol sa gulo sa Mindanao ang usapan, puwede mong palitan sa usapang giyera sa kabuuan. Makatutulong ito para makapagpatuloy ng usapan.
Palagiang tingnan ang tao sa kanyang mga mata. Minsan kahit ilang oo lamang ang puwede mong isagot para magmukha kang interesado.
Para maiwasan ang nakaka-boring na tao, huwag magbanggit ng kahit ano tungkol sa sarili, o kahit na ang magkuwento ng kung anu-ano. Putulin na ang mga ‘di mahalagang detalye. Kung may nakababagot mang tao, mag-excuse na, pero huwag tagalan ang pagtalikod. Sabihin gaya ng, "Excuse me, lagyan ko lang ng laman ang baso ko” o kaya, "Kukuha lang ako ng pagkain.”
Mabilis lang naman mapalitan ang paksa ng usapan. Iyong malayo sa unang pag-uusap. Puwedeng ang kaso ni Willie Revillame ang pag-usapan para maiba naman. Kung bagot na sa usapan ang kausap, palitan na ng iba ang topic.
Huwag haluan ng tsismis ang usapan. Kung magsisimula kang tsumismis. Ipinakikita nito na boring ka at di maganda ito.
Ang pagpapalit ng paksa sa isang nakababagot na boses ay di mainam. Palitan ang paksa sa isang matapat na tono ng boses.








Comments