top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dapat gawin ‘pag super-lito kung takdang kapalaran o guhit sa palad ang pagbabasehan ng future

BULGAR
Mar 28, 2021
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | March 28, 2021





KATANUNGAN


  1. Bakit ang uncle ko ay hindi naniniwala sa mga hula pero successful ang buhay nila? Masasabi kong mayaman sila, may magandang bahay, may sariling sasakayan at pareho silang may magandang trabaho ng tita ko. Kapag nakikita niya akong nagbabasa ng BULGAR, lalo na ‘yung tungkol sa hula, pinagtatawanan niya ako. Sabi niya, ‘wag akong maniwala sa mga hula dahil hindi nakatakda ang kapalaran, ginagawa raw ito ng isang tao.

  2. Kaya minsan, nalilito na ako kung maniniwala ba ako sa nakatakdang kapalaran o sadyang ginagawa ito at nasa tao na kung anong kapalaran at ambisyon sa buhay ang nais niyang maabot. Sabi pa ng uncle ko, maaabot mo ang iyong pangarap basta nagsikap at determinado ka talagang abutin ito. Tama ba siya?

  3. Sa tingin mo, ano ang aking magiging kapalaran? July 7, 1999 ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Tama naman ang uncle mo. Tunay ngang may mga kapalaran o ambisyon sa buhay na kayang-kaya talagang gawin ng isang tao, lalo na’t determinado niya itong gagawin at ito ang tinatawag na “will power”. Sa law of success, partikular sa libro ni Napoleon Hill na Think and Grow Rich, ito ang tinatawag na “burning desire” o nag-aapoy na pagnanasa sa isang bagay na gustong-gusto mong marating o makamit.

  2. Dahil nag-aalab ang iyong pagnanasa at determinado ka talagang gawin ito, obligado kang samahan ito ng matinding pagsisikap at pagsasakripsiyo para makuha mo ang gusto mo. Kaya naman sabi ni Og Mandino sa kanyang librong The Greatest Salesman in The World, “Hindi ako titigil hanggang magtagumpay. Kapag sapat ang aking pagnanasa. Kapag hindi ako umayaw. Kapag ako’y nagpatuloy. Ako’y magwawagi. Ako’y mananaig!”

  3. Ngunit dapat din naman nating alalahaning hindi lahat ng tao ay nagtataglay ng “will power” at “burning desire”. Hindi lahat ng tao ay determinado sa kanyang buhay o pangarap, gayundin, hindi lahat ay buo ang loob o kursunada, at hindi lahat ng tao ay nagsasabi o nagagawa ang diskarteng nabanggit.

  4. Sa halip, ‘yun ang malaking problema dahil sa katotohanan, iilan lang silang pinagkalooban ng Dakilang Lumikha ng talentong buo ang loob, magpumilit sa kabila ng maraming pagsubok at mga balakid. At sabihin na nating matigas ang ulo at makulit na makuha ang kanilang gusto sa buhay. Oo, iilan lamang sila at mas nakararami ay ang walang lakas ng loob at madaling sumuko.

  5. Ito ang dahilan kaya mas maraming tao ang bigo sa buhay kaysa sa mga tagumpay, malungkot, hiwalay sa asawa, broken family, naghihirap, hindi umuunlad ang buhay. Dahil kaunti lamang ang mga taong may “will power”, ganundin ang mga taong determinado o may tigas ng loob upang makamit ang anumang gusto niyang gawin sa kanyang buhay.

  6. Ano naman ang kaugnayan ng takdang kapalaran sa mga binabanggit nating law of success? Ang hindi alam ng uncle mo, Mara, may mga taong pinagkalooban ng will power, burning desire at determinasyon na magtagumpay sa buhay. Sila ang mga taong may malalaki at matatabang itaas na bahagi ng daliring hinlalaki (Drawing A. at B. arrow a.) sa kaliwa at kanang palad. Kaya minsan, ‘pag sinesermunan ka ng uncle mo, palihim mong tingnan ang itaas na bahagi ng kanyang hinlalaki at matutuklasan mong bukod sa mataba ang bahaging ito, mas mahaba ito kaysa sa pangalawang hati ng daliring hinlalaki.

  7. Kapag malaki ang itaas na bahagi ng hinlalaki (arrow a.) sa kaliwa at kanang palad, ibig sabihin ay mataba, well-pronounced at malaman at nagkataong may good looking straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) pa siyang tinataglay, sa kaliwa at kanang palad, walang duda na ang taong ito ay yayaman, uunlad at magtatagumpay sa lahat ng kanyang naisin sa buhay, maniwala man siya o hindi sa hula at nakatakdang kapalaran.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Sabi nga ni Jesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit, kundi ang maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.” (Marcos 2:17).

  2. Sinasabi ko naman sa inyo ngayon, ang mga matagumpay, masagana na ang buhay, maliligaya at walang mga problema, hindi na talaga nila kailangan pang matuklasan ang magiging kapalaran nila dahil nasa maligayang estado na sila ng pamumuhay sa kasalukuyan.

  3. Subalit ang mga taong kabaligtaran nila o ‘yung mga hindi pa nagtatagumpay sa buhay, kailangan nilang alamin ang kanilang kapalaran upang bago mahuli ang lahat, matuklasan nila ang tamang landas kung paano liligaya at magtatagumpay na siyang araw-araw nating itinuturo at tinatalakay sa ating mga artikulo.

  4. Samantala, Mara, kung kapareho ng iyong hinlalaki ang sa iyong uncle na mataba, malaman (arrow a.) at may straight at good looking Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, tiyak ang magaganap – kahit hindi ka maniwala sa hula o pag-aanalisang ito ng iyong kapalaran, tiyak ang magaganap, tulad ng uncle mo, yayaman ka rin at magkakaroon ng maunlad at maligayang karanasan habambuhay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page