Dapat gawin ng taong Nueve para matupad ang pangarap na yumaman
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | March 5, 2023
Dear Maestro,
Mahirap lang kami at kahit puro hirap ang naranasan ko, simula pagkabata ay hindi pa rin ako sumusuko o pinanghihinaan ng loob na tuparin ang aking mga pangarap sa buhay.
Gayundin, hindi ako magsisinungaling kung tatanungin n’yo ako kung ano ang pangarap ko at ‘yun ay ang yumaman. Kaya kung papipiliin ako kung saan ang mas gusto kong tagumpay, kung sa pag-ibig o career, career ang pipiliin ko para yumaman ako.
Maestro, ang tanong ko sa inyo, yayaman ba ako at ano ang dapat kong gawin upang matupad ang pangarap kong ito? Sana ay maanalisa n’yo ang aking pirma kung may dapat pa akong ayusin o baguhin. March 9, 1995 ang birthday ko.
Umaasa,
Jethro ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Jethro,
Maganda na ngayon pa lang o sa edad mong 28 ay nangangarap ka nang yumaman.
Hindi ‘yan masama dahil ang birth date mong 9, at nagkataong 9 rin ang iyong destiny number, (3+9+1995=2007/ 20+07=27/ 2+7=9) at sa zodiac sign na Pisces, sadyang maraming ambisyon na kapag hindi naibuhos lahat ang enerhiya sa iisang gawain lamang, hindi naman sa mabibigo ka, bagkus, ang mangyayari lamang ay matatagalan bago ka yumaman.
Ang problema kasi sa mga Taong Nueve (9) at nagkataong Pisces pa ang zodiac sign, hindi sila nakakakilos nang suwabe sa kanilang mga pangarap, hilig at gustong gawin sa buhay. ‘Yan ay dahil hindi nila alam ang dahilan kung bakit hindi sila makakilos nang maayos at bagama’t minsan ay nakakakilos sila, hindi naman smooth na smooth ang takbo ng diskarte nila sa buhay.
Minsan kasi, ang mga Taong Nueve ay ma-ego o may tinatagong kayabangan sa katawan at kapag hindi nawala ang ego o yabang na ito, tulad ng nasabi na, matatagalan bago siya magtagumpay.
Ang dapat sa isang Taong Nueve ay hindi maging conscious sa kanyang ginagawa. Sa halip, tulad ng isang sundalo, ginawa niya lang ang isang bagay, hindi dahil sa gusto niyang sumikat o magyabang, bagkus, inutos lang ‘yun sa kanya ng nakatataas.
Kapag ganu’n ang naging diskarte o attitude ng Taong Nueve sa bawat pangarap at pagkilos na kanyang ipapatupad — walang ego o walang pride, sa halip ay trabaho lang — kusang malalasahan niya ang at masarap na tagumpay.
Upang mas mabilis mong makamit ang iyong mga pangarap, Jethro, mag-concentrate ka, kung saan ibuhos mo muna ang iyong sipag at tiyaga sa kasalukuyang career na iyong inaaturga.
Sapagkat sa sandaling dedikado ka sa iyong ginagawa o propesyon, sa bandang huli, ang bunga naman nito ay pagyaman at pag-unlad.
Tandaan ding hindi minamadali ang pagyaman at tagumpay. Tulad ‘yan ng mabuting kapalaran na kung suweto at handa na ang pagkatao ng isang nilalang sa positibo at mabuting kapalaran, kusa itong dumarating sa kanya. Kagaya ng isang kasabihan si Maestro Honorio Ong, “Sa taong buo ang loob, ang pagyaman at ligaya ay lubos.”
Samantala, pangit o medyo magulo ang iyong lagda, kaya dapat baguhin mo ito nang bahagya. Buhayin mo ang mga letra o salita, at tapusin ito sa isang straight o tuwid na guhit.
Sa ganyang pirma, ‘pag hindi na patong-patong ang mga letra at tinapos ang pirma sa isang tuwid na guhit at pagkatapos ay palagi ka pang magsusuot ng mapalad mong kulay na berde at pula, mas madali mo nang makakamit ang pangarap mong yumaman at ito ay nakatakdang maganap at magsisimula mong maramdaman sa taong 2031 sa edad mong 36 pataas.




Comments