top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dapat gawin ng dalagang may weak personality para magka-stable job at love life

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 04, 2021


Dear Maestro,


Isinilang ako noong May 2, 1993 at ngayon ay wala pa rin akong permanenteng trabaho, halos dalawang taon na mula nang magka-pandemya. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung kailan ang masuwerte kong petsa at araw para mag-apply ng trabaho at kailan ako magkakaroon ng stable job?


Palagi kasing panandalian lang ‘pag nagkakatrabaho ako dahil nagkakaroon ng problema at natatanggal ako. Sana ay magabayan n’yo rin ako upang umunlad at lumigaya ang malungkot kong buhay, wala rin kasi akong boyfriend ngayon. Sana magka-boyfriend na rin ako, kailan ito mangyayari?

Umaasa,


Jheng ng San Juan, Cainta, Rizal

Dear Jheng,


Ayon sa birth date mong 2, kung saan sinasabing ang 2 ay isa sa mga weak number. Kaya upang suwertehin ka at gumanda ang iyong kapalaran, dapat palagi kang magsuot ng strong color tulad ng dilaw at berde, higit lalo tuwing sasapit ang mga petsang 7, 16, 25, 6, 15, 24, 8, 17 at 26, kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Lunes, Linggo at Sabado.


Bukod sa weak number at birth date na 2, ikaw din ay nagtataglay ng isa pang weak number na 2 bilang iyong destiny number. Ito ay dahil ang May 2, 1993 ay kinokompyut ng ganito, 5+2+1993=2000/ 20+00=20/ 2+0=2.


Ibig sabihin, parehong weak number ang iyong tinataglay, kaya hindi ka nare-regular sa trabaho at hindi ka dinadatnan ng suwerte, hindi lamang sa career kundi pati sa larangan ng pag-ibig.


Upang dumating ang suwerte, lalo sa career at hanapbuhay, palagi kang makisama sa mga taong may strong number tulad ng 1, 10, 28, 9, 18, 27, 8, 17 at 26, higit lalo kung ang nasabing mga tao ay isinilang sa zodiac sign na Taurus, Virgo, Capricorn at Cancer. Sila ang makakatulong sa iyo upang mas madali kang makapasok sa regular at magandang trabaho.


Dagdag pa rito, dapat mo ring bahagyang baguhin ang iyong lagda. Imbes na pasubsob o paibaba, gawin mo itong paitaas. Sa ganyang pirma, magkakaroon ka ng kakaibang tiwala sa iyong sarili at dagdag na lakas ng loob.


Habang ayon sa Decadens ng Kaplaran, sa paparating na taong 2022, sa edad mong 29 paatas, kung susundin mo ang mga mungkahing nabanggit, tiyak ang magaganap, magkakaroon ka ng regular na trabaho sa isang kumpanya na may kaugnayan sa modernong komunikasyon. Kasabay nito, magkakaroon ka na rin ng boyfriend, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo.


1 Comment


buied1942
Oct 10, 2024

A weak personality often refers to someone who struggles with self-confidence, assertiveness, and decision-making, making them susceptible to external influences. Individuals with a weak personality may find it challenging to stand up for themselves or set clear boundaries, which can impact their personal and professional relationships. Identifying and understanding one’s personality traits can be the first step toward self-improvement. Tools like the https://www.testgroup.com/16-personality-test/  provide valuable insights into personality strengths and areas for growth, helping individuals build self-awareness and develop stronger, more confident characteristics.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page