top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dapat gawin ng binatang ka-compatible ang nililigawan pero ‘di bet ni girl

BULGAR
Oct 12, 2021
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 12, 2021


Dear Maestro,


Isinilang ako noong November 19, 1990 at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging girlfriend, pero may nililigawan ako. Sa pagkakaalam ko, ako ay isang Scorpio habang Cancer naman ang nililigawan ko na isinilang siya noong July 3, 1993. Ang problema, bakit parang wala siyang pagtingin sa akin at hindi niya ako gaanong pinapansin?


Ang gusto kong malaman ay kung sakaling itutuloy ko ang panliligaw ko sa kanya, may pag-asa ba ako o baka naman mabasted lang ako nito, kaya dapat ko nang itigil ang panliligaw ko sa kanya?


Ang isa pang ipinagtataka ko, compatible naman ang Scorpio at Cancer sa Astrology, pero bakit parang hindi magaan ang loob niya sa akin?


Umaasa,

Rico ng Mabato, Maragondon, Cavite


Dear Rico,


Ipagpalagay na nating ka-compatible ng Scorpio ang Cancer dahil kapwa sila pinaghaharian ng elementong tubig, ngunit ang ipinagtataka mo ngayon ay kung bakit hindi ka niya pinakikitaan o pinatutunguhan ng maganda?


Maaaring may iba pa siyang manliligaw na nagugustuhan kaysa sa iyo, na nangangahulugan na kaya hindi ka niya pinakikitaan ng maganda ay dahil wala siyang gusto o pagtingin sa iyo.


Hindi naman kasi sinasabi sa Astrology na porke ka-compatible ang isang tao ay magugustuhan ka na niya, lalo na’t ang pinag-uusapan natin ay pakikipagrelasyon at pagkakaroon ng girlfriend.


Sa mas malinaw na paliwanag, matanong nga kita, halimbawang may nagkagusto sa iyo na ka-compatible mo tulad ng Cancer, Pisces, Taurus o kapwa mo Scorpio na siyang tugma sa isang Scorpio na tulad mo, pero hindi kagandahan ang pisikal at panloob na kaanyuan, magugustuhan mo kaya? Siyempre hindi!


Ganundin sa kaso mo, kaya ‘wag kang magtaka. Hindi ko naman sinasabing wala kang appeal o pangit ang ugali mo, bagkus, maaaring may manliligaw pa siyang iba na ka-compatible rin niya at ‘yun ang nais niyang maging boyfriend, kaya hindi ka niya pinakikitaan ng maganda kahit sabihin pang tugma at compatible kayo sa Astrology.


Dagdag pa rito, panisinin mo ring ang birth date mong 19 o 1 (ang 19 ay 1+9=10/ 1+0=1) ay hindi naman tugma sa birth date niyang 3. Ibig sabihin, maaaring compatible lang kayo sa zodiac sign, pero sa diwa at katuturan ng mga numero ay hindi kayo tugma.


Ang pinakamabuti mong magagawa ay magtapat agad ng iyong pag-ibig upang malaman mo kung anumang reserbasyon o dahilan kung bakit wala siyang gusto sa iyo.


Kung ang mga dahilan niya kaya wala siyang gusto sa iyo ay puwede mo pang ayusin para magustuhan ka niya, halimbawa ay wala kang permanenteng trabaho o kaya naman may bisyo ka, magagawa mong maghanap ng trabaho o tanggalin ang iyong bisyo upang magkagusto siya sa iyo.


Subalit kung sadyang hindi masosolusyunan ang dahilan kung bakit hindi ka niya gusto, halimbawa ay talaga ngang may iba siyang lalaking mas minamahal kaysa sa iyo, ‘wag mo nang sayangin pa ang oras mo sa panliligaw sa kanya.


Marami pang babae na isinilang sa zodiac sign na Cancer, Pisces, Taurus at kapwa mo Scorpio, na mas maganda kung ang birth date ay 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22 at 31, na ka-compatible mo at maaaring magkakagusto sa iyo, kaya subukan mong manligaw sa kanila.


Sa matuling salita, manligaw ka sa ka-compatible mo at pagbutihin mo ang panliligaw. Kung hindi ka gusto ng babaeng ka-compatible mo, ito ay dahil maaaring may gusto siyang ibang lalaki na ka-compatible rin niya.


Sa parte mo naman, Rico, ayon sa iyong Love Calendar, sa taong kasalukuyan at sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre, magkaka-girlfriend ka na. Ito ay isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Taurus, kung saan bukod sa ka-compatible mo talaga, mamahalin ka niya habambuhay, upang sa susunod na taong 2022 at sa edad mong 31 pataas, mapapangasawa mo siya, na magdudulot ng maligaya at panghabambuhay nang pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page