top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

DANIEL, TNT ENDORSER PERO GINEBRA ANG SINUSUPORTAHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 21, 2023
1 min read

Updated: Apr 22, 2023

ni Ambet Nabus @Let's See | April 21, 2023






Maraming basketball fans ang nagtataka at nagtatanong kung bakit nowhere to be found si Daniel Padilla sa ongoing PBA championships between Bgy. Ginebra at TNT.


Nu'ng nakaraang championship kasi ng Bgy. Ginebra, halos every game itong nakikita sa venue at may pagkakataon pang harap-harapan ang pag-cheer nito para sa paboritong PBA team. Nakakasama pa niya ang inang si Karla Estrada at mga kaibigan gaya ni Zanjoe Marudo.


Until we got this unconfirmed report na diumano'y may mataas na ehekutibo ng TNT o Talk 'N Text na nagpayo raw kay Daniel na mas maging maingat sa pagpapakita ng personal support sa paboritong PBA team.


Si Daniel kasi ang isa sa mga top endorsers ng TNT na siya namang kalaban ng Bgy. Ginebra sa ongoing PBA finals.


Kaya kung hindi raw natin nakikita sa venue nang live ang mga tropa ni Daniel at nanay nitong si Karla, marahil nga ay sinunod ni DJ ang payo ng naturang top executive ng TNT.


Delikadesa na lang, dahil masagwa o pangit naman talagang tingnan na ang isang top endorser ng kalabang team ay sa iba magpapakita ng suporta kahit sabihin pang personal choice niya 'yun.


Pero, kung nakinig naman si Daniel sa sey ng top executive ng TNT ay nakakabilib na display ng professionalism ito at wastong ethics lang kung ganu'n.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page