top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Damit ng cashier at outlet na magpapatama sa lotto

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 6, 2023

Dear Maestro,


May kasalukuyan akong kinakasama, nais kong malaman kung may pag-asa ba na pakasalan niya ako? Tatlong taon na kasi kaming nagsasama at tuwing sasabihin ko sa kanya ang kasal, palagi niyang sinasabi na wala pa kaming pera. Dahil dito, panay ang taya ko sa lotto para kung sakaling tumama ako ng malaki-laking halaga, ako na ang bahalang gumastos para sa kasal namin.


Kung sakaling hindi kami maikasal, may posibilidad bang maghiwalay kami? Nais ko ring malaman kung compatible ba kami, at kung oo, kahit ba hindi kami ikasal, kami na ang magsasama habambuhay?


October 31, 1992 ang birthday ko at July 19, 1985 naman ang live-in partner ko.

Umaasa,

Mildred ng Lolomboy, Bocaue, Bulacan

Dear Mildred,


Ayon sa zodiac sign mong Scorpio habang Cancer naman ang live-in partner mo, compatible kayo dahil ang Cancer at Scorpio ay nagtataglay ng iisang elemento –ang elementong water o tubig.


Gayundin, ang birth date mong 31 o 4 (3+1=4) ay sadyang tugma sa birth date na 19 o 1 (1+9=10/ 1+0=1) ng ka-live-in mo, dahil ang 4 at 1 ay kapwa pinaghaharian ng planetang Uranus at Sun. Ibig sabihin, ikasal man kayo o hindi, itinakda na ng tadhana na magsasama kayo habambuhay.


Samantala, bukod sa numero mong 31 at sa lahat ng number na may sumatotal na 4, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 1 at 8, tulad ng 10, 19, 28, 37, 17, 26, 35, 44 at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 7, 17, 23, 28, 34, at 40, gayundin ang 5, 13, 24, 31, 39 at 42.


Upang masigurado ang malaking panalo sa anumang number games, maghanap ka ng lotto outlet na ang cashier o kareha ay nakasuot ng damit na may kumbinasyong itim at pula. Ang naturang lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.


Habang, ayon sa inyong Love Calendar, sa taong 2029 at sa edad mong 37 pataas, habang 44 naman ang live-in partner mo, may pera man kayo o wala, tiyak na ikakasal kayo at nakatakdang magsama sa pagbuo ng simple, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page