top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dalawang barangay official na nahuling nagsisiping sa Zoom meeting sa Cavite, nag-resign na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | August 28, 2020




Nagbitiw na sa puwesto ang isang barangay chairman at treasurer sa Dasmariñas Cavite matapos makita sa video conference call sa Zoom na nagse-sex ang dalawa.

Ito ay kinumpirma ni Jorge Magno, president ng Association of Barangay Captains sa Dasmariñas. Napag-alaman din na ang dalawa ay parehong may asawa.

Aniya, nag-resign na ang dalawa sa ikatatahimik ng lahat. Humingi rin ng pasensya ang dalawa at pang-unawa sa lahat ng nakakita.

Kuwento pa ni Magno, kasama sa online meeting ang ilang barangay official para pag-usapan kung paano maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar. Hindi umano napansin agad ng mga opisyal ang nangyayari sa dalawa.

Kita sa video na pinatay ng opisyal ang camera nito sa cellphone ngunit, may iba pang camera na nakatutok sa kanilang dalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page