Dalagita, patay sa van vs. pick-up
@Balitang Probinsiya | February 16, 2022
PALAWAN–Isang 16-anyos na dalagita ang namatay nang aksidenteng magkabanggaan ang van at pick-up kamakalawa sa Bgy. Sta. Lucia, Puerto Princesa City.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jona Padama, nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng van na kinalululanan ni Padama at ang pick-up kaya aksidenteng nagkabanggaan sa naturang lugar ang dalawang sasakyan.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima dahilan ng kanyang kamatayan.
Hindi muna pinangalanan ang driver ng van at pick-up habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino sa kanila ang may pananagutan sa aksidente.





Comments