Dalagang thrice nang iniwan, sa susunod na taon matatagpuan si Mr. Right
- BULGAR
- Jul 14, 2023
- 1 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | July 14, 2023
Dear Maestro,
Bakit kaya lagi akong bigo sa pag-ibig gayung tapat naman ako kung magmahal. Gusto ko sanang malaman ang kapalaran ko.
Tatlong beses na kasi akong iniiwan ng mga nagiging boyfriend ko. Kailan kaya ako magkakaroon ng isang seryoso, pangmatagalan, at masayang relasyon na matagal ko nang pinapangarap na dumating?
At kailan kaya darating 'yung lalaking mapapangasawa at makakasama ko habambuhay?
Ang birthday ko ay Pebrero 4, 1993.
Umaasa,
Mhe Anne ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Mhe Anne,
Ayon sa zodiac sign mong Aquarius, sa birth date na 4 at sa destiny number mong 1 (2+4+1993=1999/ 19+97=118/ 11+8=19/ 1+9=10/ 1+0=1) upang magkaroon ka ng isang seryoso, maligaya at panghabambuhay na pakikipagrelasyon, hanapin mo ang mga lalaking katugma at ka-compatible mo.
Sila ay ang mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini, Libra, Leo at kapwa mo Aquarius na may birth date na 1, 7, 10, 16, 19, 25 at 28.
Sa sandaling nakatagpo ka ng ganyang manliligaw, 'wag mo nang pakawalan pa, sapagkat ang lalaking nabanggit, ay siyang makakasama mo habambuhay, na ayon sa iyong Love Calendar nakatakdang mangyari at maganap ito sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre sa edad mong 31 pataas.




Comments