top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dalagang makakapasa sa board exam at magkakaroon ng lovelife sa edad 29

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | April 5, 2023


Dear Maestro,


Ako ay isinilang noong October 15, 1995. Ang pinagtataka ko lang ay bakit kahit tapos ako ng Accountancy ay wala pa rin akong stable work at wala pa rin akong boyfriend?


Sana matulungan n’yo akong magkaroon ng stable work at magka-boyfriend, para tulad ng ibang kong mga barkada ay sumaya naman ang buhay ko, lalo na ngayong summer.


Umaasa,

Jheng Dalipit East, Cuenca, Batangas

Dear Jheng,


Ang birthday mong October 15, 1995 ay nagsasabing ikaw ay talaga namang napabilang sa mga taong labis na naiimpluwensyahan ng numerong 6, dahil bukod sa birth date mong 15 o 6 (1+5=6), ikaw din ay nagtataglay ng zodiac sign na Libra, kung saan ang Libra ay may taglay ding numerong 6, at may ruling planet na Venus.


Dahil malakas ang impluwensya sa iyo ng numerong 6, ang dapat mong gawin ay huwag munang intindihin o problemahin pa ang tungkol pag-ibig. Sa halip, ang gawin mo ngayon ay mag-concentrate ka kung paano mo mapapalago at mapapaunlad ang iyong career.


Kapag maunlad na ang iyong career at hitik na hitik na ito sa bunga, ang mga taong may birth date na 15 o 6 tulad mo (ang 15 ay 1+5=6) ay kusang susuwertehin sa pag-ibig at sa pakikipagrelasyon.


Kung tapos ka ng Accountancy at gusto mo naman yata ang kursong ‘yan, dapat kumuha ka ng CPA board exam, at kapag naging Certified Public Accountant ka na, kasabay ng pag-unlad ng career, darating na rin sa iyong karanasan ang isang masasaya, nakakikilig na pakikipagrelasyon at makukulay na karanasan sa pag-ibig.


Dagdag pa rito, upang masiguradong magtatagumpay ka sa career at pag-ibig, ayon sa zodiac sign mong Libra at birth date mong 15 o 6, na pinaghaharian nga ng planetang Venus, lalo na’t kung ikaw ay medyo sexy na medyo chubby na masarap yakapin dahil malambot ang katawan at medyo mababa lang ang height, ibig sabihin, ikaw ay nagtataglay ng “pure six personality”. Kung ganyan ka nga, mas madali kang uunlad at magtatagumpay, hindi lamang sa career, bagkus, pati sa pag ibig at lahat ng aspeto ng iyong buhay kung lagi kang magsusuot at gagamit ng kulay na pula, pink, lilac, asul at iba pang mga kulay na hinango sa asul at pula.


At ‘pag nasunod mo ang mga rekomendasyong inilahad sa itaas, ngayong 2023 hanggang 2024, sa edad mong 28 pataas, magkakaroon ka ng maganda at matatag na trabaho, hanggang sa maiisipan mong mag-review ng CPA board exam.


Pagsapit ng taong 2024 hanggang 2025 at sa edad mong 29 hanggang 30 pataas, papasa ka sa borad exam at magiging isang ganap na CPA. Pagkatapos nito, magkakaroon ka naman ng boyfriend at ang nasabing relasyong hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo ay hahantong sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page