top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dalagang gusto nang maka-bf, mayamang lalaki ang makakatuluyan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | September 10, 2023



Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang alamin kung ano ba ang mangyayari sa aking kapalaran.


May work ako ngayon, pero sapat lang para sa akin ang aking sinusuweldo. Ang isa ko pang problema ay wala pa akong nobyo, magpapasko at magbi-birthday pa naman ako. Gusto ko sanang malaman kung kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend?


December 3, 1989 ang birthday ko at nais ko ring malaman ang aking destiny number.

Umaasa,

Cecil ng St. Niño, Galas, Quezon City

Dear Cecil,


Ayon sa birthday mong December 3, 1989, ikaw ay nagtataglay ng birth date na 3 sa destiny number na 6 (12+3+1989=2004/ 20+04=24/ 2+4=6) sa zodiac sign na Sagittarius.


Sa sandaling tuluyan ng umiral ang birth date na 3, destiny number na 6 at ang zodiac sign mong Sagittarius, tiyak na susuwertehin at aasenso ka na sa iyong career. Ibig sabihin, anumang propesyon mo sa kasalukuyan, tiyak na mapagtatagumpayan mo ito.


Sa larangan ng pag-ibig, liligaya at uunlad ka naman, kung ang pipiliin mong asawa o boyfriend ay mas mataas ang antas ng pamumuhay kaysa sa iyo.


Isang halimbawa ng ganitong senaryo ay ‘yung hindi ka nakatapos ng pag-aaral, habang ang dapat mong mapangasawa ay isang college graduate. Kung gradweyt ka naman ng college, ang dapat na mapangasawa mo ay may mataas na posisyon sa opisina o sabihin na nating mas nakakaangat ang pamumuhay.


Sapagkat, kapag mas mababa ang antas sa iyo ng iyong mapapangasawa, halimbawang ikaw ay college graduate at may magandang trabaho, samantalang driver o isang construction worker ang iyong napangasawa, tiyak ang magaganap – malungkot at hindi magiging successful ang mangyayari sa inyong pamilya.


Subalit, ‘wag kang malungkot dahil minsan lang nangyayari ang ganyang senaryo sa kapalaran ng mga Taong Tres at Taong Sais na nagkataong ikaw ay nagtataglay pa ng ruling planet na Jupiter.


Samantala, anuman ang mangyari ayon sa Decandens ng Kapalaran sa taong kasalukuyan 2023 hanggang 2024, sa edad mong 33 pataas, lalong gaganda at bubuti ang iyong career, kasabay nito sa panahong tinuran magkaka-boyfriend ka na rin hanggang sa tuluyang makapag-asawa ng isang lalaking mayaman.


Ang lalaking iyong mapapangasawa ay kasalukuyan mo nang kakilala na isinilang sa buwan ng Mayo o Hunyo, na sa sandaling mapangasawa mo na siya, tulad ng nasabi na, tuluy-tuloy at lalo pang uunlad ang iyong career, gayundin ang inyong pangkabuhayan hanggang sa makapagpatayo na kayo ng isang masagana, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page