top of page
Search
BULGAR

Dalagang gusto nang magka-bf, mayamang lalaki ang makakatuluyan

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 4, 2024


Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang alamin kung ano ba ang mangyayari sa aking kapalaran lalo na sa taong ito. Sa ngayon, may work naman ako pero sapat lang sa akin ang aking sinusuweldo. Ang problema ko pa ay wala pa akong boyfriend, kaya gusto ko sanang malaman kung magkaka-boyfriend kaya ako? 


Ang birthday ko ay December 12, 1998. 

Umaasa,

Rechella ng Manatal, Pandi, Bulacan 


Dear Rechella, 


Ayon sa birthday mong December 12, 1998, ikaw ay nagtataglay ng birth date na 3 sa destiny number na 6. Naging 3 ang birth date mo dahil ang 12 ay 1+2=3, habang ganito naman kinokompyut ang destiny number mong 6 (12+12+1998=2022/ 20+22=4/ 4+2=6) sa zodiac sign na Sagittarius.


Sa sandaling tuluyan nang umiral ang birth date na 3, destiny number na 6 at ang zodiac sign mong Sagittarius, sinasabing susuwertehin at aasenso ka sa iyong career.


Ibig sabihin, anuman ang propesyon mo sa buhay tiyak na magtatagumpay at tuluy-tuloy kang aasenso, uunlad at liligaya.


Sa larangan naman ng pag-ibig, liligaya at uunlad ka, kung ang pipiliin mong asawa o boyfriend ay may mataas na antas ng pamumuhay. Isang halimbawa ng ganitong senaryo ay ‘yung hindi ka nakatapos ng pag-aaral, habang ang dapat mong mapangasawa ay isang college graduate. 


Ganu’n ang dapat kauwian at talaga namang mangyayari sa iyong career o sa aspeto ng propesyon at pag-aasawa. 


Kapag mas mababa ang antas sa iyo ng iyong mapapangasawa, halimbawang ikaw ay college graduate at may magandang trabaho, samantalang driver o isang construction worker ang iyong napangasawa, tiyak ang magaganap – malungkot at hindi magiging successful ang mangyayari sa inyong pamilya.


Subalit, ‘wag kang malungkot dahil minsan lang nangyayari ang ganyang senaryo sa kapalaran ng mga Taong Tres at Taong Sais na nagkataong ikaw ay nagtataglay pa ng ruling planet na Jupiter.  


Samantala, anuman ang mangyari ayon sa Decandens ng Kapalaran sa taong kasalukuyan 2024 hanggang 2025, sa edad mong 25 pataas, lalong gaganda at bubuti ang iyong career, kasabay nito sa panahong tinuran magkaka-boyfriend ka na rin hanggang sa tuluyang makapag-asawa ng isang lalaking mayaman.  


Ang lalaking iyong mapapangasawa ay kasalukuyan mo nang kakilala na isinilang sa buwan ng Mayo o Hunyo, sa sandaling mapangasawa mo na siya, tulad ng nasabi na, tuluy-tuloy at lalo pang uunlad ang iyong career, gayundin ang inyong pangkabuhayan hanggang sa makapagpatayo na kayo ng isang masagana, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.



0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page