top of page
Search
  • BULGAR

Dalagang feeling malas sa buhay, mayamang lalaki ang pampasuwerte

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Marso 11, 2024



Dear Maestro, 



Ako ay masugid n’yong tagasubaybay. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil may nais akong linawin sa aking kapalaran. 


Maestro, ano kaya ang kapalaran na naghihintay sa akin? Marami kasi akong mga pangarap na gustong marating lalo na pagdating sa pag-aaral, subalit pinanghihinaan ako ng loob. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin upang maabot ko ito.


Marami rin kasing humahadlang sa mga plano ko, lalo na sa usaping pangpinansyal.


Mahirap pala kapag mag-isa ka lang humaharap sa buhay dahil kapag may nais kang abutin, walang tumutulong sa iyo. Mag-isa ko lang itinataguyod ang aking sarili para makapag-aral at makapagpadala ng pera sa nanay ko.


Sa ngayon, iniisip ko na mag-caregiver muna. Sana dumating din ang suwerte sa akin at sa aming pamilya. Maestro, sana magabayan mo rin ang aking kapalaran upang suwertehin ako. Ang birthday ko ay January 6, 2003.


Umaasa,

Capricorn ng San Miguel, SJDM, Bulacan

 


Dear Capricorn,  



Dahil ikaw ay isang babae, ayon sa birth date mong January 6, 2003, lalaki ang pampasuwerte mo. Sa mas malinaw na salita, susuwertehin ka sa lalaki, kaya kailangan mong magkaroon ng boyfriend o asawa na may kaya sa buhay o mayaman dahil ‘yun ang daan upang matupad ang iyong mga pangarap sa buhay.


Bukod kasi sa mga taong may birth date na 5, 14 at 23, na sinusuwerte at yumayaman sa pag-aasawa, ang mga taong may birth date na 6, 15 at 24 ay ganundin.  Kaya lang, lagi silang nagkakaroon ng problema sa puso at damdamin, pero alisin mo muna ito para makita mo ang isa sa pinakamapalad na numero sa aspetong propesyon at materyal ay ang mga taong may birth date na 6, 15 at 24 kung pipilitin nilang magka-boyfriend o makapag-asawa ng mayaman.  


Halimbawang nagka-boyfriend ka ng tulad mong hirap sa buhay, huwag mong sisihin ang kapalaran dahil ngayon pa lang ay pinapaalam ko na sa iyo ang iyong kapalaran— makakaahon ka sa hirap sa pamamagitan ng may kaya, mayaman o nakapag-aral na lalaki na magiging boyfriend mo at tuluyang mapapangasawa.


Samantala, bukod sa nasabing paraan, palagi ka ring magsuot ng kulay na pula tuwing sasapit ang mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo kung ang mga nasabing petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes. Kapag naman sasapit ang petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26, pagsalit-salitin mo ang kulay na berde at dilaw, higit lalo kung ang nasabing petsa ay natapat sa araw ng Sabado, Linggo at Lunes.


At ang panghuling teknik upang makaahon ka sa kahirapan at matupad ang mga pangarap mo sa buhay ay lakihan at buhayin mo naman ang iyong lagda. Napakaliit kasi ng iyong lagda, kaya maliit na suwerte at kakapiranggot na magandang kapalaran lang ang dumarating sa iyo. 


Subalit, kung mula ngayon ay lalakihan at bibigyan mo na ng buhay ang letra at mga salita sa iyong pirma, tulad ng nasabi na, biglang magbabago ang iyong kapalaran, kahit pa hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral, dahil karamihan sa mga Capricorn ay hindi naman sa kanyang propesyon nagtatagumpay kundi sa pagnenegosyo – yayaman at matutupad mo na ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay, na nakatakda at magsisimulang mangyari sa taong 2044 sa edad mong 41 pataas.  


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page