Dahilan kaya nagtatagumpay 'pag nagtutulungan, alamin!
- BULGAR

- Feb 9, 2021
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 9, 2021

Ang pagtulong ko noon sa nanay ko sa paglalaba ay isang bagay para mas maging malapit ang loob namin sa bawat isa lalo na para matapos ang isang gawaing sadyang mabigat para sa kanya. Hindi niya namamalayan na gumagaan ang ginagawa niya dahil ako ang nagbobomba ng poso habang nagbabanlaw na siya. Pati kuwentuhan namin noon ay tila may karugtong pa kahit tapos na kaming magsampay.
Kapansin-pansin din hindi ba, pagdating sa paghahardin at pagtatanim, mas masaya kapag may kasama na nakakatapos sa pagpipinta ng mga paso at landscaping.
Ang paggawa at pagtatapos ng mga bagay na magkasama ay isang mahalagang praktikal na paraan upang matiyak na may natutupad ngang layunin ang isang magkasama.
TEAMWORK VS KALUNGKUTAN.
Pansinin mo na kapag nag-iisa ka lang gawin kahit na ang paglilinis ng bahay, parang ang taga-tagal tapusin at parang pagod na pagod ka kahit na hindi mo pa natatapos. Iyan ay dahil wala kang katuwang sa paggawa nito para sa mas magaang na paraan.
Kung minsan, alam mong may inaasahan kang katuwang para magawa ang bawat bagay, pero kapag nabigo siyang matulungan ka ay parang nakakatamad nang gawin pang mag-isa, iisipin mo tuloy kung gagawin mo pa ba o talagang hindi na.
Ito kasi ang panahon na kapag nauna ang mga plano at tuwa habang iniisip n’yo pa lang na gagawin ay magaan na ang bagay bago pa man na simulan. Nariyan na kasi sa loob ninyo ang kasiyahan na matatapos at magtatagumpay ito sa huli dahil may inaasahan kang nakatuwang sa gawain.
Ang isang aktibidad na nakumpleto ay isang bagay na mainam, pero higit ang oras na magkatulong, dalawa man o isang grupo ay mas matagumpay na bagay; ang trabaho ang materyal na kapasidad at ang samahan ay ang espirituwal na pagtutulungan. Walang bayad na kasiyahan kapag may napagtagumpayan.
BAGAY NA NAGTUTULUNGAN, DOBLE ANG LAYUNIN AT KAHULUGAN.
Sa tuwing nagagawa natin ang isang bagay na magkatulong, nae-encourage natin ang ibang tao, na kapag nakita natin silang nagtatrabaho, nagiging inspirasyon natin sila, sila ang lider natin o ikaw ang lider nila.
Ang mga bagay na pinagtutulungang gawin ay unang nabigyan ng blessings sa panahon ni Kristo, gaya ng kanyang pangako, "where two or three are gathered in my name, I am there also" - becomes, at some sense, the visible reality for those involved (Matthew 18:20). What they do, they do for goodness and grace - it brings out our individual best.”








Comments