Dahilan kaya madalas tumatandang dalaga o binata ang mga taong nueve
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 17, 2022
Dear Maestro,
August 27, 1989 ang birthday ko at marami na akong naging boyfriend, pero nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakapag-aasawa. May boyfriend ako ngayon, pero nagdadalawang-isip pa rin ako sa kanya. Isinilang siya noong December 17, 1988, compatible ba kami?
Sa edad kong 32, kailan ako makapag-aasawa at kapag may pamilya na ako, magiging maligaya at successful ba ang itatayo naming pamilya?
Umaasa,
Elleine ng San Diego, Lian, Batangas
Dear Elleine,
Hindi ka na makapag-aasawa sa sandaling palaging umiral sa iyong buhay ang tipikal na ugali ng Virgo na perfectionist. Bukod pa rito, masyado rin silang detalyado, kaya imbes na makita nila ang napakagandang kabundukan o kagubatan, ang mas nakikita nila ay ang kaisa-isang nabubulok na puno sa naturang kagubatan.
Samantalang ang malungkot nito, ang pagiging perfectionist ng Virgo ay nahaluan pa ng hindi naman perfectionist na birth date mong 27 o 9 (ang 27 ay 2+7=9), bagkus, sobrang mapili sa lahat ng bagay, lalo na sa pag-ibig, dahil ang gustong mapangasawa ng mga Taong Nueve (9), kabilang silang mga may bitbit na numerong 18 at 27 ay mas magaling o higit sa kanila, lalo na sa kalagayang panlipunan o social status.
Sabagay, hindi rin naman natin sila masisisi dahil higit silang nagiging maligaya kung ang iibigin nila ay ‘yung mas magaling sa kanila.
Ang masakit, kaya natatagalang makapag-asawa ang mga Taong Nueve, ang akala nila ay ubod ng galing nila, kaya halos wala silang makitang mas magaling pa sa kanila.
Bagama’t hindi nila aaminin na tingin nila’y sila ang pinakamagaling sa buong mundo, mababakas ito sa kanilang ugali sa panahong sila ay tumatandang dalaga o binata na. Akala ng iba ay mapili siya, pero ang totoo, wala siyang makitang babae o lalaking hihigit sa kanyang pamantayan.
Kaya kapag professional ang Taong Nueve o malayo na ang naabot ng kanyang career, malamang na tumanda siyang dalaga o binata. Hindi tulad ng mga Taong Nueve na hindi naman nakaabot ng mataas na career, mas madali nilang mahahanap ang tao na mas magaling sa kanila, kaya mas madali silang makapag-aasawa.
Suwerte naman ang mga Taong Nueve dahil ‘wag lang aabutin ng pagtandang binata o dalaga, napapangasawa naman talaga nila ang mga taong mas magaling sa kanila, kaya naman kahit papaano ay nagiging maligaya sila.
Ang pangit lang sa Taong Nueve, kapag siya ang napangasawa mo at nagkataong hindi ka naman Taong Otso (8) o Taong Uno (1), tiyak na a-underin ka niya dahil masyado siyang ma-pride. Kaya kapag naging mag-asawa ang Taong Nueve at Taong Uno, (tulad ng 9, 18 at 27, ay napangasawa ang taong 1, 10, 19 at 28), malamang na gumuho at maghihiwalay din sila ng landas, maliban na lang kung may isa sa kanila ang magpapa-under o palaging magpapakumbaba.
Samantala, ang sinasabi mong boyfriend mo sa kasalukuyan na may birth date na December 17, 1988 ay ka-compatible mo sa Numerology. Kaya kung siya ay mas magaling sa iyo, halimbawa’y college graduate ka, habang ang boyfriend mo ay ganundin at may mas malaking suweldo sa iyo, posibleng kahit medyo ayaw mo sa kanya, siya na ang mapapangasawa mo dahil iiral ang likas na talino ng Virgo. Dahil sa edad mong 32 pataas, iniisip mong hindi ka dapat tumandang dalaga, kaya bibilisan mo rin ang pagdedesisyong makapag-asawa. At kahit hindi mo masyadong ka-compatible sa Astrology, basta katugma sa Numerology, at ang mas mahalaga ay ang unconscious mong pamantayan sa pagpili ng mapapanagsawa na mas magaling o higit sa iyo ang lalaking ito.
Kung “oo” ang tugon sa mga ito, siya na ang mapapangasawa mo at makakasama habambuhay, sa isang medyo magulo sa simula at maraming problemang relasyon dahil strong number ang 9 at 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8). Pero kapag may natutong magpakumbaba sa inyong dalawa, kahit papaano ay magiging maligaya, maunlad at panghabambuhay ang itatayo n’yong pamilya, na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2023, sa edad mong 34 pataas.





Comments