top of page
BULGARY - MOIRA, UMAMING ALAM ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA SAM AT CATRIONA_IG _moiradelat

Dahil sa tsismis... Misis, kinatay ng kapitbahay

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by Janice Baricuatro @News | September 21, 2026



Dahil sa tsismis... Misis, kinatay ng kapitbahay

Photo: File



Patay ang isang misis matapos pagsasaksakin ng kapitbahay na lalaki kasunod ng pagtatalo, alas-7:30 ng gabi kamakalawa sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.


Kinilala ang biktima sa alyas Marya, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Malabon. 

Suspek naman ang kapitbahay nitong si alyas Tudio, nasa hustong gulang at residente rin ng nasabing lugar.


Ayon sa pulisya, palabas ang biktima para bumili ng pagkain nang harangin siya ng suspek. Nauwi sa pagtatalo ang kanilang komprontasyon hanggang sa bumunot umano ng patalim si “Tudio” at ilang ulit na sinaksak si “Marya” bago tumakas. 


Napag-alamang may dati nang alitan ang dalawa dahil sa umano’y pagkakalat ng biktima ng hindi magandang tsismis laban sa suspek.


Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page