Dahil sa stress, sumobrang taba… YEN, ‘DI MASIKMURANG TINGNAN ANG SARILI SA SALAMIN
- BULGAR
- 2 days ago
- 4 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 19, 2025
Photo: Yen Santos - IG
Marami ang nagulat sa mga larawang ipinost ni Yen Santos sa kanyang Instagram (IG) page. Makikita kasi rito ang malaking weight loss transformation niya from last year na umabot siya ng 72 kilos to present na 51 kilos na lang siya.
Sa caption ay ibinahagi ng aktres ang kanyang weight loss journey sa loob lang ng 2 buwan.
Aniya, last year ay nag-gain daw talaga siya nang husto na halos hindi na niya makilala ang sarili.
Sey pa niya, hindi nga raw niya matagalang tingnan ang sarili sa salamin.
“Hi everyone, I just want to share something personal with you...
“Last year, I gained so much weight that I barely recognized myself. It was the heaviest I’d ever been and honestly, I couldn’t even look at myself in the mirror. I just didn’t like what I saw. Nothing fit anymore! And the frustration started to weigh heavier than the actual weight,” pagbabahagi ni Yen.
Pagre-reveal pa niya, napapalakas daw ang kain niya kapag happy siya o stressed siya.
“I tried dieting and working out, but nothing seemed to work. I eat when I’m happy, when I’m stressed. Basically, I eat my feelings. So the cycle just kept repeating… until I met these amazing people who changed everything,” aniya.
“Doc @dr.baker and Doc @dani.angeles.baker told me, ‘Kaming bahala sa ‘yo.’ And they meant it,” kuwento pa niya.
Matapos ngang ma-meet ang mga naturang wellness doctors ay sumailalim siya sa slimming program at kinakitaan daw niya agad ng magandang resulta dahil sa unang linggo pa lang ay 3 kilos na agad ang nawala sa kanya.
“Big big big thanks to BAKER SLIM, I started seeing results fast. Grabe! First week pa lang, I lost 3 kgs. agad! Since then, I’ve just been feeling better and better,” sey ni Yen.
“From 72 kilos to 51 kgs. in 2 months, and more importantly, I’ve found the confidence I lost along the way.
“It’s still a journey, but now I know I’m finally on the right path with the right people,” saad pa ng aktres.
Anyway, matatandaang matagal-tagal ding namahinga si Yen sa pag-arte. Huli siyang napanood noong 2021 pa sa pelikula nila ng ex-boyfriend na si Paolo Contis na A Faraway Land (AFL).
In Yen’s post last week ay tila nag-hint siya na back to acting na siya at mukhang may ginagawang proyekto.
Nag-post siya ng larawan na tila nasa location siya at caption niya: “Day 1. The joy of being back.”
Wala nang sinabi pa si Yen na detalye pero sa comments section ay marami ang nag-congratulate sa kanyang pagbabalik.
DOBLE ang pasasalamat ni Alfred Vargas sa mga taga-District 5 ng Quezon City dahil sa double victory din na ibinigay sa kanya at sa kapatid na si PM Vargas.
Wagi si Alfred bilang konsehal habang si PM naman ay nanalo ring congressman ng nasabing distrito. Ito ang ikalawang termino ng magkapatid sa mga nasabing posisyon.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram (IG) account ay nagpasalamat si Alfred na muli silang pinagkatiwalaan ng mga botante ng Distrito Singko.
Makikita sa video na ipinost ng aktor/pulitiko ang pangangampanya nila before the elections at ang pagkakaproklama sa kanila kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Nilapatan din ito ng awiting We Are the Champions (WATC) ng Queen.
“We are the champions, my friend... And we’ll keep on fighting ‘till the end.. To God be the glory!!!
“Doble-dobleng pasasalamat sa lahat ng ating kababayan para dito sa ating double victory sa District V!” saad ni Konsi Alfred.
Malaking ipinagpapasalamat din ng aktor-pulitiko na kahit marami ang nanira sa kanilang magkapatid during the campaign period ay ipinaglaban sila at hindi sila iniwanan ng mga kadistrito.
“Maraming salamat sa inyong pagmamahal, suporta at tiwala through the years! Sa gitna ng napakaraming paninira, fake news, kataksilan, kasinungalingan at pandaraya, nanatili kayong tapat at totoo at nanindigan para sa prinsipyo at tunay na serbisyo. Inilaban ninyo kami kahit mahirap. Sinamahan n'yo kami hanggang dulo!” aniya.
“Dito natin naipakita na isa tayong tunay na pamilyang magkasama sa hirap man o ginhawa at handang lumaban para sa tama at para sa isa’t isa at para sa bayan!” patuloy niya.
Nagbigay din si Konsi Alfred ng mensahe sa kanyang mahal na kapatid na tinawag niyang tunay na lider na may puso at tapang.
Pangako ni Alfred na hindi niya sasayangin ang pagtitiwala sa kanya ng mga kadistrito at lalo pa niyang pagbubutihin ang kanyang trabaho.
“Ang inyong lingkod naman po, Alfred Vargas, ay patuloy na maglilingkod nang totoo at lalo pa nating pagbubutihin ang ating mga programa at lalong palalakasin ang ating pagsasama. Novaliches, mahal na mahal kita. Maraming salamat po sa inyong muling pagtitiwala!” aniya.
Nang makatsikahan naman namin si Konsi via chat messaging, sinabi niyang haharapin niya agad ang pagtatrabaho para maipagpatuloy ang kanyang mga proyekto sa kanyang distrito. Isa na ang programang pang-edukasyon.
“Starting this July, we will start rolling out our ‘Alagang Vargas Scholarship Program 2.0, level up!’ This educational assistance program aims to provide one scholar for every Novaleño family. Isang pamilya, may isang iskolar. This scholarship is for elementary, high school and college levels and there is no grade requirement. Basta pasado ka, pasado ka na rin sa program! The scholarship will continue until the student graduates from college.
“So far, we have 20,000++ college graduate scholars already who are now accountants, managers, engineers, teachers, nurses and even elected barangay officials, among others,” saad niya.
Ipinaabot din ni Alfred ang pasasalamat sa kanyang asawang si Yasmine Espiritu na kasama niyang naglibot at nangampanya gayundin ang mga anak na sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, Alfredo Cristiano, at Baby Aurora Sofia.
“I thanked them immensely, especially my wife. My family has sacrificed so much to support me these last 15 years in public service. So much of my time was spent serving others and sometimes, at the expense of my time with my family. But they understood me all the way and knew how much passion I had in trying to effect positive change. I have achieved so much because my wife and children supported me and for that, I am immensely grateful,” sey ni Alfred.
Comments