Dahil sa flood control scam — Sandiganbayan... Chiz, bawal lumabas ng bansa
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | April 28, 2026

Photo: Chiz Escudero - FB
Naglabas ang Sandiganbayan Sixth Division ng precautionary hold departure order laban kay Senador Francis "Chiz" Escudero kasama ang umano'y bagman nito na si Maynard Ngu, ngayong Lunes.
Ang PHDO ay hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa pag-uugnay kay Escudero sa mga nakinabang umano sa kickback ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa flood control project, na itinanggi ng senador.
Si Escudero ay iniimbestigahan sa umano'y plunder, katiwalian at indirect bribery.
Sa ginanap na imbestigasyon sa flood control scam, ibinunyag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee na 20% ang napunta sa senador bilang commitment fee sa infrastructure projects.
Nag-deliver umano ito ng P160 million kay Escudero sa gusali ni Ngu sa Manila at sinundan pa ito ng ikalawang delivery ng P120 million noong 2025.
Mariin namang itinanggi ng senador ang alegasyon ng dating DPWH official.
Inatasan din ng Sandiganbayan ang Bureau of Immigration na pigilan ang paglabas sa bansa nina Escudero at Ngu at isama ang kanilang pangalan sa hold departure list.




Comments