top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dahil sa bangayan sa PI, baho ng mga senador at kongresista, nabulgar

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 15, 2024


DAHIL SA BANGAYAN TUNGKOL SA PI, NABULGAR ANG BAHO NG MGA SEN. AT CONG. -- Ang bangayan ng Senado at Kamara tungkol sa pinagtatalunan nilang People’s Initiative (PI) para sa Charter change (Cha-cha) ay humantong na sa labasan ng baho ng mga senador at kongresista.


Kung sabagay, mainam ‘yan para nabubulgar at nalalaman ng mamamayan ang mga “bantot” sa pagkatao ng mga honorable na ang pakilala sa publiko ay mga public servant daw sila, period!


◘◘◘


INTELIHENSYA, NABILI NI ‘TSAN PARAK’ KAYA SANDAMAKMAK ANG ILEGALISTA SA CALABARZON -- May impormasyon na “binili” raw ni alyas “Tsan Parak” sa halagang P1 million weekly ang intelihensya sa lahat ng ilegalista sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon), na ibig sabihin ng “binili” niyang intelihensya ay walang sinumang gambling lords ang makapangraraket sa Calabarzon ng wala niyang basbas.

Hanep ha, sa Calabarzon pala ay may nagbebenta at bumibili ng intelihensya.


At dahil nabili nga niya ang intelihensya, kaya ang resulta ay sandamakmak ngayon ang mga ilegalista sa Calabarzon na kinukunan ng weekly payola ng mga “tongpats” collector ni “Tsan Parak”.


Ang tanong: Kanino kaya “binili” ni alyas “Tsan Parak” ang intelihensya at sino naman kaya ang nagbenta? He-he-he!


◘◘◘


SA ‘NO-TAKE POLICY’ NI GEN. NARTATEZ, STOP ILLEGAL GAMBLING AT SA ‘NO-TAKE POLICY’ NI GEN. LUCAS, NAGSULPUTAN ANG MGA ILLEGAL GAMBLING SA CALABARZON -- Noong si Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. pa ang director ng PNP-Region 4-A na siyang may sakop sa Calabarzon ay tiklop itong si “Tsan Parak”.


Pagkaupo kasi noon ni Gen. Nartatez sa PNP Region 4-A ay agad siyang nagdeklara ng “no-take policy” at ipinatigil ang lahat ng illegal gambling kaya itong si “Tsan Parak” ay hindi magawang bigyan ng basbas ang mga gambling lord na mangraket sa Calabarzon, kasi alam niyang malilintikan siya kay Gen. Nartatez. 


Nang malipat si Gen. Nartatez sa NCRPO ay nagpairal din siya ng “no-take policy” kaya’t ewan lang dito sa kasalukuyang PNP-Region 4-A Director, Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na nagdeklara rin siya ng “no-take policy”, pero imbes mag-stop ay parang kabuteng nagsulputan ang illegal gambling sa Calabarzon kaya itong si “Tsan Parak” tiba-tiba sa tongpats collection sa Southern Tagalog Region, tsk!


◘◘◘


GUMAWA LANG NG EXECUTIVE ORDER SI P-BBM TULAD NG GINAWA NIYA SA ONLINE SABONG, SIGURADONG STOP NA ANG POGO SA ‘PINAS -- Nagpanukala ang Kamara na ideklarang ilegal ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) para raw hindi na ito makapag-operate sa ‘Pinas.


Sa totoo lang, hindi naman na kailangang gumawa pa ng ganyang panukala ang mga kongresista kasi magtatagal pa ang usaping ‘yan sa Kamara.


Gumawa lang si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ng isang executive order na bawal na ang POGO sa ‘Pinas, tulad ng pagbabawal niya sa online sabong, tiyak stop na ang POGO ng mga Chinese sa bansa, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page