top of page
Search
  • BULGAR

Dahil sa away ni Super Tekla sa ka-live-in… YOU TUBE SUBSCRIBERS NG DONEKLA, 1 MILLION NA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 30, 2020




May pambawi na ang comedian na si Super Tekla sa masakit na karanasan at kahihiyan na kanyang dinanas dahil sa ginawa ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.


Pumalo nang mahigit 1 million subscribers ang Donekla in Tandem, ang YouTube Channel nila ng BFF niyang si Donita Nose. Dalawang buwan pa lamang silang nagsimula sa kanilang YouTube Channel at ang bilis ng pagtaas ng kanilang mga subscribers.


Gulat na gulat din ang ibang vloggers sa naitalang record ng Donekla in Tandem. Marami ang nagsasabing nakatulong nang malaki ang malaking iskandalo na kinasangkutan ni Tekla dahil sa pagrereklamo ng kanyang ka-live-in na si Michelle na pumunta pa sa radio program ni Raffy Tulfo.


Big factor ang pagkaka-Tulfo ni Tekla dahil maraming followers at subscribers ang Raffy Tulfo in Action. Maraming nagkainteres na sundan ang kaso nina Super Tekla at Michelle. Naging interesado ang marami sa drama at pasabog ng ka-live-in ni Tekla. At naging bentahe ito sa Donekla in Tandem dahil na-hit nila agad ang 1 million subscribers.


Nangangahulugan ito na kikita na ang Donekla tandem nang milyun-milyon sa kanilang You Tube channel.


Kaya naman, masasabing blessings in disguise ang nangyari kay Super Tekla kahit na sobrang kahihiyan ang idinulot nito sa kanyang pagkatao.


Pati career ni Tekla ay nalagay sa peligro. May kontrata pa naman siya sa GMA Network. Mabuti na lamang at marami ang naawa, nakisimpatya, sumuporta at dumamay sa kanya.


Si Super Tekla ang kinampihan ng mga tao and for sure, matatanggap naman siyang muli ng viewers ng The Boobay and Tekla Show!


Sabi pa ng ilang netizens, kung nailabas na sa Magpakailanman ang life story ni Super Tekla, dapat ay may part 2 na ito at isentro ang istorya sa hirap na dinanas ni Tekla sa piling ng GF niyang si Michelle.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page