Dahil 30-anyos na sa susunod na birthday… PRAMIS NI ALDEN: MAG-AASAWA NA AKO NEXT YEAR!
- BULGAR

- Jan 16, 2021
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 16, 2021

"I’m planning to get married by 30,” diretsong pahayag ni Alden Richards kay Dra. Vicki Belo sa tsikahan nila para sa YouTube vlog ng celebrity doctor.
Alden has just turned 29 last January 2, so ibig lang sabihin, next year na siya mag-aasawa. But the thing is, wala pa siyang girlfriend ngayon or puwede rin namang meron na without us knowing it.
Tinanong siya ni Dra. Vicki kung ano ba ang hinahanap niya sa isang babae. Sagot ng aktor, “Gusto ko lang talaga, Doc, ‘yung sinu-support niya ako as much as I support her.
Ayoko naman na parang in a relationship, ako lang ‘yung masusunod. Gusto ko, mayroon din siyang gusto. Gusto ko, we grow separately as individuals and we also grow together as partners.”
Dagdag pa niya, “I want someone who’s very passionate about life. And siyempre, ‘yung maalaga and understanding.”
When asked kung kelan siya huling nagka-girlfriend, sey ng aktor, “I was in high school, Doc.” Kaya natatawang sabi ni Dra. Vicki, “Ano ba ‘yan?”
Anyway, nabanggit din ni Alden in his past interviews na this year 2021 ay goal na raw niya talagang magkaroon ng girlfriend. So, let’s see kung matutupad ito pati na rin ang plano niyang pag-aasawa next year.





Comments