top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dagdag-trabaho sa mga Pinoy, aarangkada na!

BULGAR
Sep 11, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 11, 2022


Magandang balita ang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang unemployment rate nitong nakaraang July.


Bumaba ito sa 2.6 milyong (o 5.2%) Filipino, na mas mababa sa 2.99 milyong Pinoy na naitala noong June 2022. Mas mababa rin ito sa kung ihahambing sa 3.23 milyong walang trabaho noong June 2021.


Ayon pa sa PSA, ito na ang pinakamababang unemployment rate mula noong October 2019, kung saan nakapagtala ng 4.5% na antas.


May tinataya namang 47.39 milyong Pinoy ang may trabaho noong July, na mas mataas kumpara sa 46.59 milyong na naitala noong June.


Naitala ang pagdami ng nagtatrabaho sa mga sektor ng wholesale at retail trade; agriculture at forestry; accommodation at food service activities; at iba pang service activities.


☻☻☻


Ngunit kasabay ng pagbaba ng unemployment rate ay ang pagtaas naman ng underemployment rate o 'yung mga naghahanap pa ng dagdag-trabaho upang kumita.


Noong July ay nakapagtala ng 6.54 milyong Filipinong underemployed (o 13.8%), na mas mataas kumpara sa 5.89 milyong Pinoy na kulang sa trabaho noong June. Ngunit mas mababa naman ito kung ihahambing sa 8.77 milyong underemployed noong July 2021.


Nakita ang underemployment sa mga sektor ng wholesale at retail trade; construction; at public administration at defense subsectors.


☻☻☻


Umaasa naman tayong magbubunga agad ang nakuhang $14.36 bilyong (P804.78 bilyon) investment pledges sa nagdaang biyahe ng pangulo sa Indonesia at Singapore.

Kabilang sa mga pledge ay nasa mga sektor ng renewable energy, data centers, e-commerce, broadband technology, startups, government housing at agrikultura.


Hinihimok naman natin ang mga kaukulang government agencies na madaliin ang pagsasakatuparan ng pledges na ito.


Dapat simulan na agad ang pagtatrabaho upang maging realidad ang pledges at makatulong sa muling pagpapasigla ng ating ekonomiya.


Inaasahan din nating magta-translate ang mga ito sa mas permanenteng trabaho para sa ating mga kababayan, na umaaray na sa taas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng palitan ng piso laban sa dolyar.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page