top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Dagdag-titser para iwas-siksikan sa classroom

BULGAR
Jul 13, 2022
1 min read

@Editorial | July 13, 2022


Kasabay ng anunsiyo na itinakda ang balik-eskwela sa Agosto 22, 2022, may panawagan naman ang grupo ng mga guro.


Anila, para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa muling pagbubukas ng mga klase, dapat dagdagan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro.


Ito ay magbibigay-daan para mabawasan naman ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase.


Napag-alamang mahigit 26,000 ang bakanteng posisyon para sa mga guro kaya lumulobo ang ‘backlog’ sa pagkuha ng mga karagdagang titser. Bagama't may mga ulat na maraming tapos bilang titser ang hirap makapasok sa iba't ibang kadahilanan. Maaaring ito na ang panahon para makapuwesto ang mga gusto at may "K" naman para makapagturo.


Napakahalagang mabawasan ang mga estudyante sa bawat classroom para matiyak ang kanilang kaligtasan, lalo na ngayong tumataas na naman ang kaso ng COVID-19. Gayundin para mas maunawaan nila ang leksyon.


Samantala, kung sa Agosto ang simula ng pasukan, sa Nobyembre naman balak ipatupad ang 100% face-to-face classes.


Wala naman tayong ibang hangad kundi ang maitawid ang edukasyon sa gitna man ng pandemya. Hindi dapat natitigil ang pagkatuto.


Kaya anuman ang makapagpapagaan o makatutulong sa sitwasyon ay gawin na.


Mahaba-haba pa ang tatahakin nating pagbabago at maaaring magkamali sa mga desisyon pero ang mahalaga ay sinubukan at magagawa namang maitama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page