top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dagdag-suweldo sa mga guro, tablado kay VP Sara

BULGAR
Sep 20, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 20, 2022


IBASURA ANG P150-M DEPED CONFIDENTIAL FUND NI VP SARA—Kung may malasakit sa mga mag-aaral at guro ang mga kongresista at senador, hindi nila dapat aprubahan ang hinihinging P150 million confidential fund ni Vice-President, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio kasi ang mandato niya bilang DepEd sec. ay paunlarin ang edukasyon sa bansa at hindi para maniktik ng masasamang elemento ng lipunan.


Sabi nga ni Association of Concerned Teacher Chairman Vladimir Querta, imbes na ibigay kay VP Sara ang P150-M confidential fund, ilaan na lang ito pambili ng P150,000 armchairs at 3 million textbooks para sa mga mag-aaral o kaya ay ibili ng 4.286 laptop para sa mga public school teachers.


Sa isyung ito, ang dapat isipin ng mga cong. at sen. ay ang kapakanan ng mga mag-aaral at guro, at hindi ang kapakanan ni VP, DepEd Sec. Sara.


◘◘◘


DAGDAG-SUWELDO SA MGA PUBLIC SCHOOL TEACHERS, TABLADO KAY VP SARA—Sabi ni DepEd Secretary, VP Sara ay marami raw private schools ang posibleng magsara kapag tinaasan ang suweldo ng mga public school teachers dahil ang mga guro sa mga pribadong paaralan ay tiyak na mag-a-apply para maging titser sa mga pampublikong eskwelahan at kapag nawalan ng mga guro ang mga private schools ay maoobliga na itong magsara.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni DepEd sec., VP Sara na tablado sa kanya, na wala siyang planong dagdagan ang suweldo ng mga guro sa public schools.


◘◘◘


SANA PATI ANG STL-CON JUETENG AY IPATIGIL ANG OPERASYON—Pinangunahan ni Sec. Benhur Abalos ngDepartment of Interior and Local Government ang pagpapasara sa POGO Philippine Offshore Gaming Operators o POGO na ino-operate sa Pilipinas ng mga Chinese gambling lords dahil illegal itong nag-operate sa bansa.


Sana ay hindi lang POGO ang ipatigil ni Abalos, kundi pati ang STL (Small-Town Lottery)-con jueteng kasi gumagawa rin ito ng illegal, dahil karamihan sa mga STL-operators ay kadalasan isa hanggang dalawang bola lang ang nire-remit sa gobyerno, at ang isa, minsan dalawa at pati ang extra ay hindi na iniri-remit, na malinaw na pandaraya sa pagbabayad ng tax ang ginagawang ito ng mga Pinoy gambling lords ng STL-con jueteng.


◘◘◘


IMBES NA IPA-STOP ANG RAKET NA MINI-CASINO NI 'PATRICK', NADAGDAGAN PA ANG PUWESTO NITO SA BAGUIO CITY—Imbes na ipatigil nina Mayor Benjamin Magalong at city chief of police, Col. Glenn Lonogan ang operasyon ng raket na mini-casino ni "Patrick" sa Baguio City ay nadagdagan pa pala ng isa ang puwesto nito sa lungsod.


Kung dati kasi ay sa Legarda Road lang ang may pa-mini-casino si "Patrick," ngayon ay may mini-casino na rin daw ito sa Bokawkan Road, kapwa sa Baguio City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page