top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dagdag-presyo, taas-singil ngayong 'ber' months, kapit lang!

BULGAR
Sep 1, 2022
1 min read

@Editorial | September 1, 2022


Pumasok na ang 'ber' months, sa kabila ng mga isyu at problema, huwag sanang madaig ang diwa ng Kapaskuhan.


Kaliwa't kanan man ang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin at singil sa mga serbisyo, kapit lang!


Kung paano natin nalampasan ang matitinding bagyo, lindol at pandemya dulot ng COVID-19, tiyak na makakaraos din sa krisis na pinagdadaanan natin ngayon.


Sumisirit ang presyo ng petrolyo, apektado ang kalagayan ng transportasyon, sapul din ang supply ng pagkain at iba pang produkto, pero narito pa rin tayo. Isang patunay na, kaya pa.


Magpatuloy lang, gawin ang tama at mabuti. Magtiwala sa proseso at unti-unti ay makakaahon din tayo.


Hangga't may malinaw tayong direksyon sa buhay, marami mang pagsubok ang sumabay, kaya nating makarating sa ating mga layunin.


Ngayon ang panahon para mas maipakita natin ang katatagan at diskarte na meron tayo. Siyempre hindi lang ito para sa sarili at pamilya, kundi para sa ating kapwa.


Gawin nating mas makabuluhan ang Kapaskuhan. Hindi natin kailangang maging mayaman para tumulong o maging opisyal para makapaglingkod, gustuhin lang natin.


Hindi lang din sa materyal na bagay naipapakita ang pagbibigay, kundi maging sa pagbabahagi ng kasiyahan at mga positibong pananaw sa buhay.


Salubungin natin ang 'ber' months nang magaan ang pakiramdam. 'Ika nga, ang problema, nand'yan lang 'yan, hindi natatapos kaya 'wag ubusin ang oras sa pag-aalala.

Kasabay ng paggawa ng solusyon, i-enjoy din natin ang buhay kasama ang pamilya at mga kaibigan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page