Search
  • BULGAR

Dagdag pang public transport, bibiyahe na sa Metro Manila

ni Lolet Abania | October 16, 2020




Umabot na sa 69 porsiyento ng mga public utility vehicles (PUVs) ang pinayagang makabiyahe sa Metro Manila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III.


Sa naganap na Palace briefing ngayong Huwebes, ayon kay Delgra, patuloy ang isinasagawa ng ahensiya na pahintulutang mag-operate ang maraming PUVs na bibiyahe sa mga lansangan kasabay ng pagdaragdag ng bilang ng sumasakay na pasahero.


Aniya, asahan ding mangyayari ito sa mga susunod na dalawa o tatlong linggo. “Isang aspeto to increase capacity is adding more units,” sabi ni Delgra. “But the other is also having that unit run on the road longer than they would want to or they would need to kasi nga walang kumpiyansa sa pagpapatakbo.”


Samantala, noong Martes, 44 pang ruta ang binuksan ng LTFRB at 4,820 dagdag na public utility jeepney (PUJ) na maaari nang bumiyahe sa Metro Manila matapos ang ilang buwang suspensiyon nito.


Ayon pa sa LTFRB, ang kabuuang bilang na ruta na nag-o-operate na at mga units ng iba’t ibang klase ng pampublikong transportasyon kung saan bumibiyahe sa Metro Manila ay ang mga sumusunod:


• traditional public utility jeepney (PUJ) – 302 ruta na may 27,016 units


• modern PUJ – 48 ruta na may 845 units


• public utility bus (PUB) – 34 ruta na may 4,016 units


• point-to-point bus – 34 ruta na may 387 units


• UV Express – 76 ruta na may 3,263 units


• taxi – 20,927 units


• transport network vehicles services (TNVS) – 24,356 units


• provincial public utility bus (PUB) – 12 ruta na may 86 units


• modern UV Express – dalawang ruta na may 40 units

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.