top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dagdag na non-teaching personnel, malaking tulong sa mga guro at kalidad ng edukasyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2023
1 min read

@Editorial | November 23, 2023


Bukod sa mga pasilidad sa eskwelahan, napakahalagang natutugunan ang kalagayan ng mismong mga guro.


Nasa kanilang mga kamay nakasalalay ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataan.


Gayunman, may mga pagkakataon na gustuhin man ng ating mga guro na maituro nang maayos ang aralin, sadyang may mga nagiging hadlang.


May mga sitwasyon na hindi lang kakulangan sa pasilidad at materyales ang problema kundi maging ang pinagdaraanan ng mga titser kasabay ng pagtuturo. Sa rami ng administrative task, kinakapos na sila sa oras at lakas.


Kaugnay nito, isinusulong sa Kongreso ang paglalaan ng P1.9 bilyong alokasyon para sa pagkuha ng non-teaching personnel.


Sa ilalim ng Personnel Services ng Department of Education (DepEd) magdaragdag ng 5,000 posisyon ng Administrative Officer II at 3,000 para naman sa Project Development Officer I.


Sa pamamagitan nito, mababawasan ang gabundok na trabaho ng mga titser at makakapagpokus na sila sa pagtuturo upang mapataas pa ang kalidad ng edukasyon.


Samantala, plano ring maghain ng pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers upang makatugon sa mga kinahaharap na hamon at pangangailangan ng mga guro.


Kung nais nating maging mas maganda ang edukasyon, na susi sa pag-unlad ng bayan, alagaan natin ang mga guro na humuhubog sa kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page