Dagdag-butaw pa more dahil sa mga kurakot sa PhilHealth
- BULGAR
- Dec 15, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 15, 2022
P-BBM, PANGARAP NA WALANG PINOY NA MAGUGUTOM—Simple lang ang pangarap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., wala nang magugutom na Pinoy sa Pilipinas.
Naku, napakamapagkumbaba pala ng ating Pangulo. Kunsabagay, marami talaga tayong kababayan ang kumalam ang tiyan noong nakaraang administrasyon, lalo na sa kasagsagan ng pandemya kung saan maraming nawalan ng hanapbuhay na kanilang pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan, partikular ang pagkain.
◘◘◘
KUNG HINDI KINURAKOT NG MGA APPOINTEE NI DIGONG ANG PONDO NG PHILHEALTH, WALA SANANG DAGDAG-BUTAW DAHIL SA KAKAPUSAN NG PONDO—Kapos na umano sa budget ang PhilHealth kaya naobliga silang itaas sa 4.5% ang monthly butaw ng mga miyembro na mangyayari sa unang buwan agad ng 2023.
Kung hindi lang sana kinurakot ng mga appointee ni Digong sa PhilHealth ang mahigit P15 bilyong pondo, marahil ay sapat ang pondo ng Philhealth funds, wala sanang panibagong pasanin ang mamamayan sa dagdag-butaw na ‘yan!
◘◘◘
NGAYONG HENERAL NA SI EPD DIRECTOR ASUETA, MAGAWA KAYA NIYANG BANGGAIN SINA STL-CON JUETENG LORDS “KIT” AT “EGAY”, GAYUNDIN ANG LOTTENG LORD NA SI ‘PINONG’?—Na-promote na sa ranggong brigadier general si Col. Wilson Asueta, director ng Eastern Police District (EPD).
Ngayong heneral na siya, magawa kaya ni Gen. Asueta na banggain, ipaaresto, kasuhan at ikulong ang mga gambling lords sa Marikina City, Mandaluyong City, San Juan City at Pasig City, na sina STL-jueteng lords “Kit” at “Egay”, gayundin ang lotteng lord na si Pinong”?
Noong colonel pa lang kasi ang ranggo niya ay wala siyang nagawa sa mga gambling lords.





Comments