Daga, simbolo ng kamalasan
- BULGAR
- Feb 6, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 6, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Baguio.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na umaakyat ako sa bundok, at nang marating ko ang tuktok nito, ang daming gamo-gamo at may mga daga rin na nagdatingan at papalapit sa akin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jonathan
Sa iyo, Jonathan,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umaakyat ka sa bundok ay daranas ka ng mga kabiguan sa buhay bago mo makamit ang tagumpay. Ang narating mo ang tuktok at maraming gamo-gamo sa paligid mo ay nagpapaalala na maging maingat ka sa mga taong nakapaligid sa iyo. Gayundin, dapat maging matalas ang iyong pakiramdam dahil isa sa mga ‘yan ay pababagsakin at sisiraan ka dahil sa sobrang inggit.
Samantala, ang mga daga naman ay nangangahulugan ng sunod-sunod na kamalasan dahil sa paninira ng kapwa at mga tsismis na wala namang basehan, pero pinaniniwalaan ng mga taong nakapaligid sa iyo. Dahil dito, kailangan mong maging mahinahon at magtimpi ka sa mga sandali ng pagsubok.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments