Daddy na rin daw ang tawag ng mga anak… ZEINAB, KA-LIVE-IN NA SA BAHAY NIYA SI BOBBY RAY PARKS
- BULGAR
- Jul 28, 2023
- 1 min read
ni Maricon Nolasco @MarisPluk | July 28, 2023

For the first time ay isinama ng vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang Instagram Live ang boyfriend niyang basketball player na si Bobby Ray Parks. Kaya’t ‘di naiwasan ng mga netizens na tanungin si Zeinab kung sa bahay na ba niya nakatira ang boyfriend. Walang kiyeme naming inamin ng dalawa na sa bahay na nga ng vlogger namamalagi si Bobby Ray.
Nagpakatotoo rin ang magdyowa sa pagbabahagi sa kanilang mga followers ng rason kung bakit sa bahay na nga ni Zeinab naninirahan ang basketball player. Gusto raw kasi ni Bobby Ray na makasama ang mga anak ng vlogger.
Nabanggit kasi ni Zeinab na malapit ang kanyang dalawang anak kay Ray, lalo na ang lalaking anak na si Lucas. Ibinahagi pa ng vlogger na hinanap daw minsan ng BF ang anak nang apat na araw itong mawala dahil nasa poder ng kuya niya.
Sa katunayan, “daddy” na raw ang tawag ng mga bata kay Ray. Aprubado naman ito ni Zeinab dahil napansin niyang tila gusto ng kanyang anak na si Lucas na daddy na ang itawag sa BF na basketball player.
Mukha ngang sinusulit na nina Zeinab at Ray ang mga panahon na magkasama silang dalawa dahil babalik din daw ang basketball player sa Japan pagkatapos ng game nito sa Gilas Pilipinas at ‘pag dumating na ang araw na ‘yun, tiyak na balik-long-distance relationship na naman sila.
Comments