top of page

Daddy, 667 beses ipina-tattoo ang pangalan ng anak, pasok sa Guinness

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 4, 2023
  • 2 min read

ni Mabel G. Vieron @FGulat ka 'noh?!! | October 04, 2023


ree

Normal na sa atin ang pagkakaroon ng tattoo sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Pero, maniniwala ka bang kaya ng isang tao ang 667 tattoos? Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi si Mark Owen Evans, 49-anyos, kasalukuyang nakatira sa U.K.


Dati na siyang naparangalan ng Guinness World Record bilang “Most tattoos of the same name on the body” Matapos niyang ipa-tattoo ang pangalan ng kanyang 7-anyos na anak na si Lucy.


Una niyang nasungkit ang world record noong taong 2017, sa pamamagitan ng pagpapa-tattoo ng 267 ‘Lucy’ sa kanyang likod. Gayunman, noong 2020, ay na-beat ng 27-anyos na si Diedra Vigil, kasalukuyang nakatira sa USA, ang record sa pamamagitan ng pagpapa-tattoo ng kanyang sariling pangalan nang 300 beses.


Desidido si Mark na muling makuha ang titulo, at nagpasya siyang magpa-tattoo muli sa kanyang hita ng tig-200 na pangalan ng kanyang anak.


Ayon kay Mark, hindi na umano siya makapaghintay na maibalik sa kanya ang titulong ito. Siya rin mismo ang gumawa ng mga design sa kanyang tattoo, at ang napili niyang disenyo ay ang librong nakabuklat na nagsisi-signify ng Guinness World Records book na may mga nakasulat na ‘Lucy’.


Orihinal na binalak ni Mark na ipa-tattoo ang pangalan ni Lucy nang 100 beses, dahil iyon lang ang tingin niyang magkakasya.


Gayunman, laking pasasalamat niya sa dalawang tattoo artist na nagawang pagkasyahin ang 267 na ‘Lucy’ sa kanyang likod. Ayon pa sa kanya, kakaibang sakit umano ang kanyang nararamdaman habang isinasagawa ang pagta-tattoo.


Sa kabuuang bilang ng kanyang tattoo, ito ay aabot sa 667. At matagumpay niyang nabawi ang titulong “Most tattoos of the same name on the body”.


Imagine, nagtiis at naghirap talaga siya upang maangkin ang titulo. What if, isa rin sa ating mga ka-BULGAR ang magkaroon ng ideya tungkol dito, at labanan si Mark?! Hindi malabong mangyari ‘yun, malay natin.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page