top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dadalaw sa sementeryo, ‘wag magpabaya vs. COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2020
  • 1 min read

@Editorial | October 26, 2020



Unti-unti nang dumarami ang mga dumadalaw sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Ito ay bago pa man isara ang mga sementeryo sa buong bansa sa Undas dahil sa banta COVID-19 pandemic.


Kaugnay nito, patuloy din ang paalala ng mga opisyal, partikular sa local government units na palaging ipatupad ang mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


Hangga’t maaari ay iwasan ang pagdagsa, gumawa ng schedule nang hindi sabay-sabay ang pagdalaw. Huwag kalimutang magsuot ng face mask at face shield at sundin ang iba pang mga ipinatutupad — decontamination booth at temperature check.


Maunawaan sana nating hindi naman natatapos sa Nobyembre 1 o 2 ang paggunita sa Araw ng mga Patay, ito ay maaari nating gawin anumang araw o oras.


Kung sarado man ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 bilang pagtugon sa direktiba ng gobyerno o nagsimula nang dumagsa bago ang pagsasara, puwedeng-puwede pa sa mga susunod na araw o linggo.


Pakiusap sa mga kinauukulan, maging handa tayo sa anumang senaryo lalo na ngayong linggo. Maaaring mas marami ang dumalaw ngayon o sa susunod na linggo, sa muling pagbubukas ng mga sementeryo.


Tiyakin nating masusunod ang lahat ng panuntunan at kung kinakailangang maging mas istrikto ay gawin na alang-alang sa kaligtasan din ng publiko. ‘Pag sinabing bawal, bawal!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page