Daan-daang bilyong piso ang pinsala — Remulla... P10B 'ghost electricity' vs. Legarda, Leviste, umusad na
- BULGAR
- 2 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 1, 2026

Photo: Leandro Legarda Leviste at Loren Lagarda - FB
Umusad na ang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman laban kina Senador Loren Legarda Leviste at anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay sa umano'y P10 billion "ghost electricity" o solar-powered projects.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, nasa preliminary investigation na ang mga reklamong plunder, graft, at conflict of interest laban sa mag-inang Leviste.
Inireklamo rin si dating Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi.
Ayon kay Remulla, ang pagpasok ng kaso sa preliminary investigation ay nangangahulugang natapos na ang kanilang paunang fact-finding at sinusuri na ngayon kung may sapat na ebidensya upang magsampa ng pormal na kaso sa Sandiganbayan.
“Ang P10 bilyon ay bahagi lamang ng kontrata, ngunit ang halagang nawala sa ating mga Pilipino ay nasa daan-daang bilyong piso,” ani Remulla.
Ang mga reklamo ay nag-ugat sa mga solar at renewable energy projects na sinasabing hindi naipatupad ayon sa mga obligasyon sa ilalim ng mga kasunduan at legislative franchise.
Nauna nang naghain ang Department of Energy (DOE) ng hiwalay na reklamo laban kay Leviste at iba pang opisyal ng Solar Para sa Bayan Corporation (SPSB) dahil sa umano'y kabiguang maihatid ang ipinangakong serbisyo sa mga underserved at unserved areas sa loob ng ilang taon.

