top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Daan-daang bagong pisang pawikan natagpuan sa Oriental Mindoro

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2022
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | February 3, 2022



Natagpuan sa Barangay Estrella, Naujan, Oriental Mindoro ang napakaraming mga maliliit na pawikan.


Ikinagulat ito ng Barangay Tanod na si Joel Cesar Alcovera matapos niyang mapansin ang mga maliliit na pawikan na gumagapang sa buhanginan.


Nagtawag siya ng iba pang residente upang ipakita ang mga ito at doon nila napag-alaman na nasa higit isandaang bagong pisang pawikan ang mga ito.


Inilagay nila sa palanggana ang mga pawikan at dinala sa tabing dagat para pabalikan sa dagat na kanilang natural na tirahan.


Ayon kay Barangay Secretary Warly Panganiban, plano ng pamunuan ng barangay na lagyan ng ilaw ang tabing-dagat dahil halos taon-taon may napipisang mga itlog ng pawikan sa kanilang tabing-dagat.


Umaabot ng 75 hanggang 90 araw ang mga itlog ng pawikan bago mapisa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page