top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Customs, patung-patong ang kaso sa mga FA, tiklop sa mga smugglers

BULGAR
Jan 18, 2023
1 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 18, 2023


KUMPISKADO ANG TIG-4 KILO NG SIBUYAS NG 10 PAL ATTENDANTS, PERO ‘NGANGA’ SA TONE-TONELADANG SMUGGLED AGRI-PRODUCTS—Sablay ang pasiklab ng mga tauhan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz nang ibida na nasabat nila ang tig-4 kilong sibuyas mulang Riyadh at Dubai, na ipinasok sa Pilipinas ng 10 flight attendants ng Philippine Airlines (PAL).


Sablay dahil bumili ng sibuyas ang mga ito bilang pasalubong sa pamilya, tapos kinumpiska. Pero pagdating sa tone-toneladang agri-products, na ipinupuslit papasok sa bansa ng mga smugglers na sina “Leah Cruz”, “Michael Yang”, “David Bangayan”, “Paul Teves”, “Manuel Tan”, “Andrew Chang” at “Jun Diamante”, nganga sila.


◘◘◘


PATUNG-PATONG ANG IKAKASO SA 10 PAL ATTENDANTS, SA MGA SMUGGLERS, TIKLOP—Ang nakakabuwisit sa pabida ng mga Customs officials ay sasampahan nila ng patung-patong na kaso ang mga PAL employees, tulad ng Customs Tariff Code, paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act at paglabag sa Plant Quarantine Law.


Mantakin n’yo, ang 10 flight attendants na nag-uwi lang ng tig-4 kilo ng sibuyas sa pamilya ay sasampahan ng patung-patong na kaso, pero sa mga smugglers na nagho-hoard ay tiklop ang Customs officials.


◘◘◘


SANA IBALIK SA MERKADO ANG NFA RICE—May nagbabadya na namang pagtaas sa presyo ng bigas sa Pilipinas.


Sa panahon ni former Pres. Noynoy Aquino, kahit may pagtaas sa presyo ng commercial rice ay may choice ang mamimili na bumili ng mas murang bigas na P27 hanggang P32 per kilo.


Pero nawala ang NFA rice sa administrasyon ni Digong at nagpatuloy sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Sana ay ibalik ito ng Pangulo sa merkado nang sa gayun ay muling magkaroon ng kakompetensya ang imported rice ng mga kapitalista sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page