Creamline, balik-finals sa PVL All-Filipino Conference
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Dominic Santos @Sports News | April 17, 2026

Balik-finals na ang Creamline Cool Smashers (CCS) sa All-Filipino Conference ng Premier Volleyball League (PVL) matapos talunin ang koponan ng Farm Fresh Foxies nitong Huwebes, April 16.
Sa unang set ng laban, naging dikitan agad ang palitan ng puntos ng Creamline at Foxies kung saan tagumpay itong nakuha ng CCS sa score na 25-23 ngunit hindi nagpadaig ang foxies matapos idomina ang ikalawang set ng laban sa score na 14-25.
Agad din namang bumawi ang Creamline sa ikatlong set ng laban na nakuha nila sa score na 25-23 at tuluyang pinataob ang Foxies sa ikaapat na set sa score na 25-19.
Itinanghal naman na “Player of the Game” ang middle blocker na si Pangs Panaga matapos magtala ng 13 puntos mula sa 7 attacks at 6 blocks.




Comments